Ang babala ni Ama

294 5 1
                                    

"Anak" Simula ni Colus.

"Ama, Patawad alam ko pong ilan beses niyo na po akong pinagsabihan na itigil ang aking nararamdaman pero ama di ko po kaya." Umiiyak na sabi ni Flora sa kanyang ama.

"Anak, Ilan ulit ko bang sasabihin sa iyo na di nababagay ang isang sirena sa isang taga-lupa." Sabi ni Colus habang nanlulumong nakatingin sa kanyang unica hija na anak.

"Alam ko po iyon Ama pero di ko po kayang pigilan itong nararamdaman ko." Umiiyak pa rin na sambit ni Flora sa kanyang Ama.

"Alam kong kahinaan natin ang magmahal. Flora ito lng ang sasabihin ko sa iyo sa oras na umalis ka dito sa ating kaharian ipapakasal kita sa iyong kaibigan." May ngiti sa labi na sabi ni Colus.

"Si Khan???" Nagtatanong na sabi ni Flora sa kanyang Ama.

"Oo, aking Prinsesa si Khan nga" pinal na sabi ng Hari/Ama ni Flora.

"Ama di -" Hindi na natuloy ni Flora ang kanyang sasabihin sapagkat tumalikod kaagad ang hari at iniwan siya.

My Wife is a MermaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon