Simula

4 0 0
                                    

Dedicated to JojoanaCacamille

Mabagal akong naglalakad papasok ng University. Today is  my first day of school. Excited at kabado ako. Sabi nila college was different,kong noong high school kasi pwede ka pang mag-pabanjing-banjing, ngayong koleheyo hindi na pupwede. Kailangan mo na itong seryosohin dahil dito nakasalalay ang magandang kinabukasan na pinapangarap mo sa hinaharap.

Para sa pangarap na gusto mong makamit, you must study hard,be a responsible and consistent student,and don't ever let your parents sacrifices goes in vain. Strive and keep on going until you finally graduated.

Huminto ako at pinagmasdan ang Universidad na magiging pangalawang tahanan at saksi sa loob ng ilang taon ng pag abot ko sa pangarap ko sa buhay.

Ngumiti ako ng punong-puno ng determinasyon. Someday, I will make my Mama proud.

Gathering all my courage, I am now ready to take my step for the new beginning, starting my journey of being a freshmen in Bachelor of Science in Business Administration.

Dahil unang araw pa lang naman ng pasukan wala pa kaming masyadong ginawa. Nagpakilala lang kami sa bawat subject at kinuha ang schedule namin sa first semester.

Nagkaroon ako ng mga bagong kakilala. My first day was so far,so good.

---

Second day of school. Habang naglalakad ako sa korihidor feeling ko may mga matang nagmamasid sa akin. Inilibot ko ang aking paningin,lahat ng estudyanteng makita ko ay mukha namang normal. Nagpatuloy ako sa paglalakad,hindi nagtagal ay huminto ulit ako dahil pakiramdam ko may sumusunod talaga sa akin. Pagtingin ko sa likuran ko may ilang students na labas-pasok sa University,ang ilan ay nagmamadali pa,ang ilan naman ay nakatambay lang. There was a man, leaning lazily in the wall. Nakayuko ito kaya hindi ko makita ang mukha, natatabingan rin kasi ng may kahabaan nitong buhok na umaabot na sa batok nito. He is tall and has lean body. Para siyang modelo sa pagkakasandal niya sa pader,ang ilang estudyante ay napapatingin pa sa kanya,ngunit para itong walang pakialam sa paligid. Napabuntong hininga ako at napansin na masyado ko na itong matagal na tinititigan.Wala naman akong makitang nakatingin sa akin kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad baka mahuli pa ako sa first subject ko.

Class/Dismiss

Bago umuwi pumunta muna ako sa locker para ilagay ang ilang mga notes and books na hindi ko naman kailangang iuwi pa. I was about to open my locker when I see a yellow post in note. Kinuha ko ito at binasa ang nakasulat.

"Your smile is like a sunshine,that lighten even the darkest day."

-C.

Tumingin ako sa paligid. Sino naman kaya ang naglagay nito dito? Inipit ko nalang ang note sa isa sa mga notebook ko. Kinuha ko ang pink na post in note ko at nagsulat,idinikit ko ito sa locker at umalis na.

Mula nang araw na yon,tuwing pupunta ako sa locker may note na nakadikit sa locker ko.

"I was never a romantic person,till there was you."

-C.

Araw-araw iniipon ko ang bawat post in notes,may mga pagkakataon rin na sumasagot ako at idinidikit ito sa locker ko bago umalis.

It become a routines. Ni minsan hindi ko tinanong kong sino siya,parang sapat na sa akin na kahit 'C' lang ang pagkakakilanlan ko sa kanya. As days by,nasasanay na ako,I'm always looking forward for C's everyday notes. Isa ito sa nagbibigay na ng inspirasyon sa akin sa bawat pagpasok ko. Isa na ito sa nag aalis ng pagod ko. Isa na ito sa nagpapasaya sa akin.

There Was You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon