Lovers ♥

127 8 3
                                    

GABBY'S POV

Eidrielle Jay Castro
Angeline Gabrielle Sy

L- 5

O - 1

V - 0

E - 7

R - 3

S - 2

= 97 %

" OMG Bes , 97 percent kayo ni EJ wahhh ! " kilig na kilig na sabi sakin ni Sheine pagkatapos niyang isolve yung ginagawa naming laro .

The L.O.V.E.R.S Equals ? GAME . Eto yung laro kung saan bibilangin nyo kung ilan ang letter L , O , V , E , R & S sa pangalan nyong dalawa tapos iaad nyo na yun . Yung result naman ng nasolve mo yun na yung percent nyo . Gets ? Ako medyo lang eh hahaha XD Basta yun na yun .

" Oh talaga ? patingin nga ! " sabay hablot sa hawak nyang papel . Tss kalokohan nanaman . 97 % eh di nga yata ako kilala .

Pagkatapos kong titigan yung papel ay nilukot ko na yun at binato kay Sheine .

" Tapon mo na yan ! Di naman totoo yan eh . " sabay balik sa original seat ko . Dumating na rin kasi si sir .

Habang naglelesson si sir ay di parin maalis sa isip ko yung 97 percent na sinabi ni Sheine . Nakakaloka din kasi , biruin mo naka97 percent pa kami eh alam ko di ako kilala nun eh .

Sabagay di din naman totoo yung larong yun . Ako lang naman talaga yung may gusto sa kanya eh , one-sided love lang ba .

" Hayy " sabi ko sabay nangalumbaba nalang ako . Kelan nya kaya ako magugustuhan ?

Tinignan ko ulit yung papel na nakakalat malapit sa upuan ko . Yung papel na pinagsulatan ni Sheine ng L.O.V.E.R.S Equals ? game kanina .

97 % , di naman siguro masamang umasa noh ? Minsan lang naman eh .

" Okay cleaners maiwan muna kayo para mag ayos ng mga upuan at magdampot ng mga kalat . " Oo nga pala , kasama nga pala ako sa cleaners ngayon . Tinignan ko ulit yung papel tapos nilagay ko na sa bulsa ko .

Dampot dito , ayos dun . Hayss nakakapagod .

Dahil pawis na pawis na din ako ay kinuha ko yung panyo ko sa bulsa ko .

" Bes tara na uwi na tayo ! " sigaw ni Sheine na nasa pinto na room namin . Nasa labas na din ako pero sa likod .

" Sige wait mo ko ! " then tumakbo na ako papunta sa kanya .

Habang naglalakad kami ay bigla kong naalala yung papel na sinulatan nya nung pangalan namin , yung may 97 % . Grabe di talaga ako makapaniwala .

Nang makauwi ako sa bahay ay naisip-isip ko na idouble check kung 97 % talaga kaming Lovers ni EJ . Kinuha ko yung palda na hinubad ko kani-kanina lang para kunin yung papel pero pagkapa ko sa bulsa ay cellphone , wallet at panyo ko nalang ang nakalagay dun .

" Hala , alam ko dito ko ang nilagay yun eh . " hanap parin ako ng hanap .

Hinanap ko na sa bag ko sa bulsa ko ulit at kung saan saan pa pero di ko talaga makita . Hayss . San na kaya yun ?

Nang mapagod na akong maghanap ay kumuha nalang ako ng isang papel para magsulat ulit nung L.O.V.E.R.S. .

Eidrielle Jay Castro ♥

Angeline Gabrielle Sy ツ

L.O.V.E.R.S

= 97 %

Wala ! 97 % talaga . Hayss . Kung sana totoo lang yan eh di sana natuwa na ako . Tss .

Bukas ko nalang hahanapin yung paper na yun . Baka nalaglag lang yun kahapon sa classroom namin . Baka nandun pa yun .

-------*

Paggising ko ng umaga ay dali-dali akong nag asikaso para makapasok ako agad at para mahanap ko na agad yung papel baka maunahan ako ng mga kaklase ko dumampot eh . Nakakahiya ︶︿︶

Pagpasok ko sa school namin ay agad akong tumakbo papunta sa room namin .

Hanap →_→

Hanap ←_←

Parappap ♬♪ Haha Joke .

Pagpasok ko ng room namin ay agad akong naghanap . Hinalughog ko na ang lahat pero wala parin .

" Ano ba yan ! " para na akong baliw dito sa room namin , wala pa kasi yung mga classmate ko eh masyado pa kasing maaga .

Aish ! Wala parin .

Nang mapagod na akong maghanap ay naupo nalang ako sa tapat ng pinto ng room namin .

Grabe ! kung sino man ang nakakita nun , bigay nyo na sakin please . Nakakahiya kasi baka makita nya eh . Baka kung ano na isipin nun .

" Eto ba yung hinahanap mo ? "

" Ay kabayong narape ! " grabe nakakagulat naman tong si kuya .

Napatingin naman ako sa papel na nakatapat sa mukha ko .

Yun yung ... yung ... yung papel na sinulatan ni Sheine nung L.O.V.E.R.S Equals ? chuchu .

Pagtingin ko sa may hawak (⊙o⊙) Si ... si ... si E...E...J ! OMO ! Nakangisi pa sya ! SHET !

Hawak nya ibig sabihin nakita nya ? ( Malamang nakita nya -___- napulot nya diba ? ) Oo na nakita nya na pero Wahhhh ╭(╯ε╰)╮ NAKAKAHIYA o(╯□╰)o

" Saan mo nakuha yan ? " sabi ko habang nakatingin sa papel na hawak nya .

" Napulot ko kahapon pagdaan ko dito sa tapat ng room nyo . " Di parin maalis sa mukha nya yung ngisi nya . Waaahhh Nakakahiya talaga sobra .

" Ahh...ehh... Okay ! " sabi ko sabay talikod sa kanya . grabe siguro para na akong apple dito sa sobrang pula ng mukha ko dahil sa sobrang kahihiyan .

" Haha ! So may gusto ka pala sakin ? " sabi nya habang humahakbang sya papalapit sakin .

" Ahh... ehh ... ihh ... ou ? " natawa naman sya sa sagot ko kaya naman nainis ako at tinalikuran nalang sya .

" Gabby Wait ! " tawag nya sakin pero di ko parin sya pinapansin .

" BAHALA KA KUNG AYAW MO LUMINGON ! BY THE WAY MALI SPELLING NG PANGALAN KO JAN ! 100 % DAPAT YAN ! " sigaw nya kaya naman napahinto ako .

Teka ... Mali spelling ? 100% percent ?

Tinignan ko ulit yung papel na may nakasulat na pangalan nya at pangalan ko .

Eidrielle Jay Castro

Oo nga noh ? Bakit di ko napansin yun ? Ang tamang spelling nga pala nga pangalan nya ay Eidrielle Jaye Castro . Shunga din tong si Sheine eh ! 100 % naman pala eh .

Pero teka ... 100 % daw ?

Pano nya nalaman ? Don't tell me ...

" Eto yung tama " sabi nya sabay abot ng isang maliit na papel na may nakasulat din na katulad nung sakin .

Eidrielle Jaye Castro

Angeline Gabrielle Sy ♥

L - 5

O - 1

V - 0

E - 8

R - 3

S - 2

= 100 %

Napatulala naman ako sa kanya .

" Oo ako gumawa nyan . Ang bading noh ? haha pero ako talaga nagsulat at nagsolve nyan . " sabi nya habang nakayuko , pansin ko naman ang pamumula ng tenga nya .

Ang Cute ♥ 

Pero bakit nya ginawa to ?

~~~~~*

Wait For EJ's Point of view :)

L.O.V.E.R.S Equals ?  ♡ ( One-Shot Story ) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon