Three months later...
“Hubby? Are you done? Male-late na tayo nito. Kailangan daw naroon na tayo ng 9 AM sa church kasi magse-seminar pa.” ani ko.
Ang tagal niya kasi.
Walang sumagot sa tawag ko sa pagtawag sa kanya. Seryoso?
“Hubby!” sigaw ko.
“Wait up, Wife! I'm just looking for Aciel's pacifier.” sigaw niya pabalik.
What?
“Hindi pa siya puwede n'yan! Gatas ko lang muna! Bumaba ka na nga! Sasakalin na kita, e!” sigaw ko pabalik saka dahan-dahan kong kinuha si Aciel sa crib niya.
Nakarinig ako ng mga hakbang pababa ng hagdan. Hindi naman gano'n kataas ang ikalawang palapag ng bahay.
“You sure? Paano kung magutom siya ro'n? Ilalabas mo ro'n sa church ang boobs mo? No way, Wife.” aniya habang palapit sa akin.
Napailing na lang ako. Napakaraming alam. Tsk.
“Shut up, Third. Tatamaan ka na sa akin. Sinasabi ko sa'yo.” banta ko habang nakatingin sa kanya ng matalim.
He sighed. “I... uhh... fine.” aniya saka binitiwan ang pacifier na hawak niya at nilapag sa counter table, “I'll hold her. Let's go.” aniya at kinuha sa braso ko si Aciel.
Kukunin ko na sana ang maliit na bag ng agawin niya rin ito.
“No heavy things for you, Wife. Let's go.” aniya saka isinukbit ang bag sa balikat niya. Napailing ako.
Habang nasa sasaktan kami. Binubungangaan ko siya. Malapit na mag 9am!
“Tingnan mo na?! Male-late pa yata tayo. Kasalanan mo ito, e.” irap ko.
Umiling na lang siya saka ngumuso.
“I'm sorry, okay? May mga lalaki ro'n. Paano kung magutom bigla ang anak ko? Ilalabas mo ro'n ang... Fuck.” mura niya ng hindi maituloy ang sasabihin.
Agad kong hinampas ang bibig niya. Gulat siyang lumingon sa akin saglit saka binalik ang mata sa kalsada.
“What did I do?” gulat niya.
“I told you not to say those kind of words, right? Naririnig ka ng anak ko.” simangot ko.
“Anak ko rin 'yan.” tanging sagot niya.
Hindi na ako sumagot. Naguguilty ako sa tuwing inaaway ko siya, e.. Hayst.
I heard him sighed, “I'm sorry, Wife. It's just that, I don't like the idea of you taking your breasts out off of your dress in public... I'm sorry.” aniya.
Nilingon ko siya at napabuntung-hininga rin ako.
I reached for his right hand. Pinaglingkis ko ang mga daliri namin saka ko siya tiningnan muli.
Saglit siyang tumingin sa akin bago binalik ang mata sa daan.
“Hindi naman ako galit, e... And, I'm sorry, too. Ayoko lang kasing pagamitan ng pacifier si Aciel. Hangga't kaya kong bigyan siya ng gatas mula sa akin, Third... Gagawin ko. Three months pa lang siya, Hubby... I want her to be healthy.” ani ko.
Tumango-tango siya, “I know. I'm sorry. Masyado na ba akong mahigpit, Wife? Sobra na ba ang pagseselos ko?” tanong niya. Ramdam ko dun ang pag-aalala niya.
Umiling ako, “No... I love you that way, Hubby. Kahit ikadena mo pa ako sa tabi mo, okay lang. I'm sorry din... Minsan inaaway kita.” ani ko.
Umiling din siya, “And, I love you that way too. Mas gusto kong minsan inaaway mo ako. Pakiramdam ko mahal na mahal mo ako kapag gano'n.” aniya.
BINABASA MO ANG
NIGHT Of DESIRE
RomanceCOMPLETED || Warning: Matured Contents Included!🔞 Charisse Allessana Ferrer Villaromano, never been kiss and never been touch kind of a woman. Charisse didn't know that the guy who took her innocence was also the guy she's been waiting for to come...