Falling in and out of LOVE (ONE SHOT)

34 1 1
                                    

It’s difficult to fall in love but it’s much more difficult to fell out of love.

Mahirap ipakita sa lahat na malakas at masaya kahit ang totoo nasasaktan na tayo. Mahirap magmahal ng taong may mahal ng iba. Komplikado ang lahat lalo na kung minsan mo rin nalaman na minahal ka niya. Pero sa di mo malamang-lamang dahilan, sinaktan ka pa rin niya.

“Dianne!”

Narinig kong may tumatawag sa pangalan ko, pero pinili kong di pansinin. Alam ko si Anne yun, bestfriend ko. Andito na naman ako sa hide-out ko, tumatambay at nagpapakalma. Di alam ni Anne na may hide-out ako, dito lang naman ako tumatambay pag nag-iiba ang mood ko. Di ko gusto may makakita sa kin.

Andito ako ngayon sa library, sa pinaka-dulo at pinaka-sulok. Naging hobby ko ng tumambay dito simula ng magkalaboan kami ni Terrence.

We broke up 2 weeks ago, at two weeks na rin akung tumatambay dito tuwing free time. Classmate ko si Terrence, simula 1st year, he has been always special to me. Close kami noon eh, parang best friends. Isa siya sa pinaka close ko sa mga boys siguro. Pero nagbago ang lahat noong nagging 3rd year kami. Noong inakala kung ililipat sila sa ibang klase kasi mababa daw yung grade nila. Syempre, sino ba naman ang hindi malulungkot niyan, kaya ayun nagdrama tuloy ako wala sa oras. Nalaman niya kung gaano siya ka-espesyal sakin. Kaya nahantung kami sa simpleng biruan tungkol sa pagiging boyfriend niya sa kin ..

Naging kami dahil sa mga biro, biro na inakala kung totoo. For many months, naging Masaya ako kay Rence, he’s sweet and attentive. And he’s a jealous guy – kaya sa panahong nagging kami ilag rin ako sa ibang mga kaibigan kung lalaki, kasi nga ayokong mawala si Rence sa akin. After ng Foundation Day namin, nalaman ko nalang na mahal pa niya si Patricia.

“Ngayong bumalik ka na, ayokong magpakaduwag pa. Alam kung masasaktan siya, pero mas ayokong mawala ka.”

Yan ang nabasa ko sa GM ni Rence, ang sakit nung nalaman ko yun. Patricia was one of my closest friends. Alam ko may past sila noong sophomore years namin, pero I didn’t expect that it would end up like this. Me, broken hearted and them, HAPPY.

Shet lang! Sa tuwing nasa loob ako ng room nasusufocate ako! Sa tuwing nasusulyapan ko sila ng susulyapan sa isa’t isa. Ang sakit   >___< Parang di ako nag exist.. Nasaan na yung FOREVER?

Kaya dito nalang ako tumatambay sa library. Dito wala nakakita sa akin, sawa na akong magpanggap na malakas, na okay lang ang lahat. Naiiyak na naman ako. :’( Bakit ba kasi kailangan ko pang masaktan? Naging mabait naman ako ah. Di naman ako nagloko, this is my first real heartbreak. Nung nalaman ko yun, iyak ako ng iyak. 2 weeks na ang nakakalipas, pero ang sakit parin eh.

“Sa library pa talaga napiling umiiyak. Tss.”

Napalingon ako sa gilid, may lalaking nakatalukbong ang libro sa mukha. Umiiyak? Hinawakan ko ang pisngi ko, ayun! Ang mga traydor kong luha, pumapatak na naman. Pinunasan ko ito, at humarap sa lalaking nakatakip ang mukha.

“SORRY HA? Di ko kasing alam na umiiyak ako! At kung nadistorbo kita, sorry!”

Tumutulo parin ang luha ko, at dahil naiinis ako, tumayo na ako. Wala akong pakilam sa “PLEASE BE SILENT” na nakabitin sa ding-ding. Mabuti nalang wala ang librarian. Ng nalagpasan ko ang pwesto niya, may humawak sa braso ko. At…

Dug.. dug.. dug.. dug ..

Niyakap niya ako. “Sorry, naiinis lang kasi ako sa mga babaeng umiiyak.Lalo na pag sayo, ayokong umiiyak ka. Sorry, patawarin mo ako ..”

Dug.. dug .. dug .. dug ..

“Nick ..”

Pinunasan niya ang luha ko, “wag kanang umiyak, D..  di ako sanay, sobra na atang pag hihirap mo .. Iwan na muna kita, sorry ulit” Hinalikan niya ang noo at umalis na siya.

Nick. Nickodi Angelo. Kaibigan ko at dating crush .. Nakalimutan ko na siya, di ko na alam andito pa pala siya sa school. Akala ko lumipat siya ng school .. Akala ko .. Akala ko iniwan niya ko ..

Nicko's POV

Alam kong tumatambay si D sa library nitong mga nakaraang araw. Kahit di na kami nag-uusap tulad ng dati masaya ako para sa kanya hanggang noong nalaman kung hiwalay na pala sila ni Rence. Di ko na nakita ang mga ngiti niyang napakagandang tingnan. Hindi ko alam kung alam ba ni D na nag eexist pa ako sa school, iniiwasan ko siya, at di naging mahirap yun dahil pinanigan din naman ako ng tadhana.

Last 3 days tumambay nadin ako sa library, pero di ako lumalapit kay D. Ramdam ko yung “You’re so close yet so far to reach” Umuupo ako malapit sa inuupuan niya, pero may hadlang sa pagitan na malaking shelf.

Pero kanina di ko na magawang iwasan siya, nung narinig kung umiyak siya parang naramdaman ko na gusto ko siyang I comfort, pero nangibabaw ang inis ko kay Rence. Kaya nasabi kung mga salita  na di ko dapat sinabi. :(

Naiinis ako, ewan ko kung bakit. Close naman kami dati ni D, kaso ewan ko anong nakain ko at lumayo akosa kanya. I told her I was going to transfer to another school sa darating na pasukan, noong una nagalit siya. Di niya ako pinansin ng ilang days, magkaibigan daw kami pero di ko siya sinasabihan ng mga plano ko.

Kung alam lang niya siya ang rason kung bakit ko sinabi sa kanyang lilipat ako. :(

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Falling in and out of LOVE (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon