12

43.8K 1.3K 276
                                    

AGNELLA TELESE


Bago pa nila malaman na nandito ako sa Hotel ay agad na akong tumalikod at umalis sa kwartong 'yon. Nakita ko rin agad si Kylier na naghihintay sa akin sa lobby ngunit mabilis siyang lumapit sa akin nang makita niya ako.

"Anong nangyari?" tanong niya pero umiiyak lang akong yumakap sa kanya.

Hinagod niya ang likod ko at nakita ko rin sa mukha ng babaeng receptionist ang awa sa akin.

"Umalis na tayo."

Hahatakin ko na sana siya para makaalis na nang pigilan niya ako.

"Babae niya ba 'yon? Niloloko ka niya, tama ba ako?" seryoso niyang tanong.

Tanging paghikbi lang ang sinagot ko. Sasakay na sana siya sa elevator para sugurin si Alessandro pero hinatak ko siya para pigilan ang binabalak niya.

"Ipapaliwanag ko rin sa 'yo lahat, basta umalis na tayo bago pa nila malaman na nandito tayo," I said.

He sighed. Wala na rin siyang nagawa pa. Nagpasalamat lang ako sa babaeng receptionist bago kami umalis. Iyak lang ako nang iyak habang nakasakay ako sa motorbike ni Kylier.

Nasaktan ako. Hindi ko lubos maisip na magagawa nila sa akin ito. Naging ganun ang pakikitungo ni Ales sa akin dahil plano nilang mahulog ang loob ko sa kanya. Para kapag na-in love ako sa kanya ay uutusan niya ako na pirmahan ni Dad ang divorce paper nilang dalawa ni Mommy.

Dahil alam niya na hindi ko siya matitiis. Tapos kapag napirmahan na ni Dad ang divorce paper ay iiwan na ako ni Ales para sumama siya kay Mom, ganun ba? At alam ni Mommy 'yon.

Alam nilang dalawa na hindi ako magagawang tiisin ni Dad dahil mahal ako ng sarili kong ama. Ako ang ginamit nila para magawa ang kanilang plano. Mas lalong dumoble ang galit ko para sa kanilang dalawa.

Huminto ang motor ni Kylier sa isang park. Walang masyadong tao rito at tahimik pa. Bumaba ako at tinanggal ang suot kong helmet. Nakayuko lang akong umiiyak habang si Kylier ay agad akong niyakap ng mahigpit.

"Sabihin mo sa akin lahat, Agnella. Alam ko na parang may mali. Sabihin mo sa akin at makikinig lang ako," malumanay niyang saad.

Humahagulhol ako sa balikat niya habang kinukwento ko sa kanya ang lahat. Sinabi ko na rin sa kanya ang buong katotohanan pati na rin ang mga plano ko. Sinabi ko na rin kay Kylier na si Ales ay stepfather ko at hindi ko siya totoong nobyo.

Kinuwento ko sa kanya lahat, walang labis at mas lalong walang kulang. Hindi ko rin siya masisisi kung mangdiri siya sa ginawa kong pang-aakit kay Ales.

"Binigay mo ba sa kanya ang pinaka-iniingatan mo?" tanong niya matapos kong magkwento.

Umiling ako kahit na nakasubsob pa rin ang mukha ko sa balikat niya. Ang kamay niya ay hinahaplos lang sa aking buhok.

"Itigil mo na ang mga plano mo. Kaya mo pa bang masikmura lahat ng gagawin niya matapos mong malaman ang lahat?"

Pinunasan ko ang luha ko at kumalas ng yakap sa kanya. Nakita ko sa gwapo niyang mukha na hindi siya makapaniwala sa mga nalaman niya pero nababakasan pa rin iyon ng labis na pag-aalala.

"Naisip ko na rin 'yan pero dahil sa galit ko kaya tinuloy ko pa rin," nakayuko kong sagot.

He heavily sighed. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at inangat ang ulo ko para makita niya maigi ang aking mukha.

"Walang maidudulot ang galit sa puso mo, Agnella. Naiintindihan ko na galit ka, pero masisira ka kung magpapadala ka sa damdamin mo. Walang magandang maidudulot ang paghihiganti mo. Hayaan mong ang karma ang maghiganti sa kanila," aniya sa mababang tinig.

IDLE DESIRE 2: HIS SEDUCTRESS [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon