TALUMPATI

180 3 0
                                    

Talumpati
— ito ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na ipinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng tao.

Pamagat
— dito inilalahad ang layunin, kaagapay na ang istratehiya upang kunin ang atensyon ng madla.

Katawan
— nakasaad dito ang paksang tatalakayin ng mananalumpati.


Katapusan
— ang pagwawakas at pinakasukdol ng buod ng isang talumpati.
— Dito rin nakalahad ang pinakamalakas na katibayan, paniniwala at katuwiran upang makikihiyakat ng pagkilos sa mga tao ayon sa layunin ng talumpati

"Paggamit ng mga panipi at pagpapalit ng mga panghalip"

Ano ang pagkakaiba ng tuwiran at di-tuwirang pahayag

Tuwirang pahayag
— naglalahad ng eksaktong mensahe o impormasyong ipinahayag ng isang tao.
— walang labis at kulang. Ito ay ginagamit ng panipi (" ")

Hal:
Maaaring sinabi ng ating pangulong Aquino na, "walang wangwang sa aking administrasyon".

Di-tuwirang pahayag
— ay binabanggit lamang muli kung ano tinuran o sinabi ng isang tao. HIndi ginagamitan ng mga panipi.
— madalas rin ay ginagamitan ito ng pang-ukol tulad ng alinsunod sa/ kay, ayon sa/ kay, atbp.

Hal:
Maaaring sinabi ni pangulong Aquino na walang maririnig na wangwang sa kanyang administrasyon.

Layunin ng Talumpati
— makapagbigay ng kabatiran o kaalaman
— makapagturo at makapagpaliwanag
— makapanghikayat
— makapagpaganap o makapagtupad
— manlibang o makakuha ng atensyon

Mga dapat tandaan sa pagsulat ng talumpati
— Tukuyin at isaalang-alang ang uri ng tagapakinig
— Magkaroon ng malawak na kaalaman sa paksang ipapahayag sa tulong ng pananaliksik
— Bumuo ng isang mabisang balangkas o outline ng iyong talumpati
— Basahin ang nabuong teksto at saka ito isulat muli
— Iwasan maging maligoy, maari itong maging maikli subalit, maliwanag, malaman at kawili-wili

Pagtatalumpati
— ay isang sining ng pagpapahatid ng isang mensahe o kaisipan hinggil sa isang mabisa o mapanahong isyu o paksa sa mga tagapakinig sa pamamagitan ng wasto, mabisa at madamdaming pagbigkas

Roselyn T. Salum
— sino nagsalin sa wikang filipino ang talumpati ni Nelson mandela?

Bagong isisilang kalayaan
— noong pagnanakop ng mga puti o Europeo sa africa nagkaroon ng Apartheid, nung naging presidente si Mandela ay nagkaroon ng kalayaan

Panahon para sa paghilom ng sugat
pagbabago


Amnestia
— isang uri ng opisyal na pagpapatawad na ibinibigay sa isang tao na nagkasala

Kasinglapit ang puso sa lupa
— sa pagmamahal sa kanilang lupa ay nilabanan nila ang kalayaan nila

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 05, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TALUMPATI NI NELSON MANDALENAWhere stories live. Discover now