Simula
First day of school as a first year medical student and I'm already late. Marami na akong nakikitang mga nakaputing uniporme na studyante dahil ang building na ito ay halos para sa mga allied of medicine. Siguro ay naghihintay para sa klase o di kaya'y walang pasok dahil unang araw palang naman. Hindi na bago sa akin ang pasikot sikot sa Xavier University. Dito ako nag aral mula high school hanggang college.
I'm into studying. I want to be on top. I crave certificates, medals and trophies. I love winning. I feel freedom to focus when I'm winning. I gain support and respect. I can inspire others to be productive when they see me in a good mood every time I'm winning. It feels good to be acquainted to eveything that's why I'm trying my best to really love studying. The continuity and consistency is what I love most when it comes to studying and winning because I can escape boredom when I set my mind to achieve a certain thing.
I'm taking my time to just normally walk and observe even when I'm already late. Introduction palang naman siguro at posibleng walang prof para sa unang araw. Ngunit bigla akong nanlamig noong nakita ko sa cellphone ko kung sino ang professor ko para sa araw na ito. Dr. Yang is my anatomy professor. I met him already in college and he is terror. Mas gugustohin mo pang mamatay kesa malate sa klase niya. Hindi na ako nag isip at tinakbo na ang fifth floor building. Tanginang yan bakit pa kasi ako nag med.
Hinabol ko ang aking hininga. Nasa harap na ako ng classroom namin. Hindi ko magawang buksan ang pintuan para makapasok. Pinagpapaiwasan na ako at kinakabahan. Just when I'm about to grab the door handle, a man with a familiar scent open the door instead.
"My last rule is don't be late on my class. You'll have demerit. What's your name?" Sabi ni Prof. Yang at tumalikod para tignan ang list sa kanyang laptop.
Wala talagang patawad ang isang to. Unang araw palang naman may minus na agad. Naguilty ako pero wala akong pakialam. Kasabay ng kanyang pagtalikod ay ang aking pagpasok at pagupo. May nakapansin sa aking ginawa. Tinaas ko lang ang aking kilay. Walang nangahas na magsumbong. Napakataray siguro ng mukhang aking pinamalas kaya pinalampas nalang.
I didn't hear the man's name though. Ang alam ko lang ay ang pagpapanggap na kanina pa sa klase at naupo sa likuran niya.
"You're late, too. You didn't tell him though. I got minus and you didn't. It's unfair." Sabi niya.
Nagulat ako nang nakita kung sino ang lalaking ito. Jaylen Rafael Miranda is right in front of me. After almost five years since I last saw him. Kelan ba bumalik ito? Kaya pala pamilyar ang kanyang pabango. Inirapan ko siya. Nakita kong naglalaro ang kanyang mapaglokong ngiti kaya bigla akong nainis.
"You could've told him but you didn't. It's not my fault." Sabi ko at inirapan siya dahil natutuwa siya sa aking pagkakainis.
Lilipat na sana ako da tabi ni Glace pero biglang dumating ang susunod na propesor kaya nanatili nalang ako sa aking inuupuan.
"Jaylen Miranda, Chanel Min." Sabi ng propesor namin para sa groupings sa subject niyang physiology. Tig dalawa nalang daw para may gagawin ang lahat at para maiwasan ang umasa sa kagroupo.Umirap ako dahil siya nanaman ang aking partner. Mula junior hanggang senior high school ay lagi kaming magkagroupo siguro'y dahil dikit ang surname namin at naguunahan sa top.
"Ano Chanel? Saan niyo gustong kumain at nagugutom na ako." Tanong ni Glace sa amin ng pinsan niyang si Hann. Glace is one of my barkada in college. Some of our classmates decided to have a job as RPh but some pursued medicine just like us. I've seen some of them but they are in a different section since I didn't noticed them in our classroom awhile ago.
Matapos ang isang oras ay bumalik na kami sa lounge area malapit sa classroom namin. May isang oras pa bago ang susunod naming pasok. Tumingin ako sa labas. Nakitang kong papunta dito sina Rafael kasama ang ibang kaklase namin. Umiwas ako ng tingin. Hindi ko maiwasan isipin ang kanyang pagbalik sa Pilipinas. Wala kaming komunikasyon sa loob ng mahigit na apat na taon kaya wala akong balita na babalik pala siya. May ari nga naman ng hospital ang kanyang pamilya kaya siguro bumalik.
Pinanood ko kung paano siya makipagusap sa mga kaklase naming babae. Mula noon pa man ay habulin na ang isang tao. Unang araw palang lumalandi na. Sana pala hindi na siya nag med kung paglalandi nanaman ang inaatupag. Napipikon ako kahit na hindi ko dapat maramdaman iyon. Suminghap ako noong nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Ngumiti siya kaya tinaas ko lang ang aking kilay at iniwas na ang tingin.
"Oh saan ang punta mo?" Sabi ni Hann nang nakita akong tumayo. Galing sa pagtetext napatingin din sa akin si Glace.
"Mauna na kayo mamaya sa room. Bibili lang ako ng kape. Magpapabili kayo?" Sabi ko. Gusto nila akong samahan pero sinabi kong ako nalang ang bibili at pumayag din naman sila sa huli.
"One iced americano and two iced caramel macchiato for Chanel." Sabi ng barista. Malapad na ngiti ang binigay niya sa akin.
"Oh, mukhang badtrip ka nanaman miss chan?" Sabi niya. Umiling lamang ako sa kanya at ngumiti. Sa tagal ko na ditto sa XU pati ang mga nagtatrabaho dito sa Starbucks ay kilala na ako.
"Thank you." Sabi ko nang ibalik niya ang resibo. Pabalik na ako sa aking lamesa para kunin ang aking bag nang nakita kong nakatingin sa akin si Rafael at nakaupo sa mesa ko. Tumaas ang aking isang kilay.
"I hope you don't mind, Chanel." Sabi niya habang tinitignan ang aking mesa.
"Sure. Aalis na din naman ako." Sabi ko at kinuha ang aking bag. Handa na akong humakbang palayo nang bigla siyang tumikhim. Tinitigan ko siya at naghintay kung may sasabihin ba siya.
Kinagat niya ang kanyang pang ibabang labi. "It has been a while, Chan. How are you? I'm sorry for the bad greeting awhile ago." Sabi niya.
"I'm fine." Sabi ko at tinignan siya. Ilang Segundo ang lumipas noong hindi siya nagsalita at ngumiti lang sa aking mukha.
"What about you?" Sabi ko. Medyo nahiya dahil ko man lang siya tinanong pabalik.
Nakatingala siya sakin kaya kitang kita ko kung paano umaliwalas ang kanyang mukha sa aking tanong. "I'm good. Just school and work in abroad. What co..." May sasabihin pa sana siya nang biglang tinawag ang kanyang pangalan para sa kanyang order. Sabay naming nilingon iyon. Nakita kong may apat na drinks kung saan nakasulat ang kanyang pangalan na "Raf".
Tinignan niya ako. "Is it too much if I ask you to wait?" Sabi niya at tumayo na.
Umiling lamang ako at hinintay siya sa labas. Saktong paglabas niya ay ang pagbagsak ng mabilis na ulan.
"I don't have one." Sabi niya at tinuro ang payong na hawak ko.
"We can share." Sabi ko at nagsimula ng maglakad.
Sinasalubong namin ang hangin at mabilis na pagpatak ng ulan. Napansin kong basa ang kanyang kabilang kamay dahil nasa akin halos ang payong na hawak niya na ngayon. Umirap ako noong may naalala. Tumawa siya ng mahina. Tinignan ko siya kaya sinubukan niyang magpigil ng ngiti. Ang gagong to mukhang naalala din ata niya ang aking iniisip.
"Before we used to laugh while sharing an umbrella in the middle of the heavy rain like this. It was too small for us kasi pareho tayong matangkad kaya pinagtitinginan lagi tayo dahil ang ingay natin." Sabi niya habang hinahawakan ng mahigpit ang aking kabilang braso para hindi tuluyang mabasa sa ulan. Hinayaan ko lang siyang magsalita.
"Now you're so silent." Sabi niya at tinignan ako.
Inalog niya ang aking braso kaya napatingin ako sa kanya. Nakangiti niya pero nakita kong may sakit or lungkot sa kanyang mata. Sinubukan niya akong itulak palabas ng paying kaya nairita ako at inirapan siya. Tumawa lamang siya. Gusto ko sanang gumanti at makipaglaro nalang din pero hindi ko magawang iangat ang aking mga kamay at hawakan siya. Something about touching him is...
"Sa loon ng mahigit limang taon. Did you.. Did you... ever think of... calling me?" Sabi niya. Tinigtignan niya akong mariin at naghihintay sa aking sagot.
Pumikit ako ng marahan. Binigay ko ang kanyang binili at kinuha ko sa kamay niya ang aking payong. Nagsimula na akong maglakad palapit sa classroom namin. Nilagpasan ko siya. Sa sobrang kaba ko sa tanong niya ay hindi ko na siya sinagot.
YOU ARE READING
ALLY: Chanel (XU Girls Series #1)
Teen FictionOn going and editing for any grammatical errors. THIS IS A WORK OF FICTION. ANY RESEMBLANCE TO NAMES, CHARACTERS, PLACES, EVENTS, INCIDENTS, ACTUAL PERSONS, LIVING OR DEAD ARE PURELY COINCIDENTAL.