Maddison's POV
Nandito ako ngayon sa canteen having lunch. Second day ko na sa school na ito and okay naman so far. Kaya lang kulang ng isa ang mga estudyante ko, at ang estudyanteng iyon ay walang iba kundi ang nag-iisang anak ng may-ari ng school na ito.
Si Theion Samaniego.
Mukhang pa-petiks-petiks lang ang batang 'yon por que anak ng may-ari ng school huh?
Wala 'kong ideya kung anong klase ng ugali meron sya, pero base sa naririnig ko minsan na tsismisan ng mga estudyante ko ay may pagka-basagulero at suplado daw 'yon.
But still, kinahuhumalingan ng mga kababaihan dito. Heartthrob kumbaga. Super good-looking siguro.
Napatangu-tango na lang ako saka muling nagpatuloy sa aking pagkain nang biglang umingay dito sa loob ng canteen.
Anong meron?
"OMG! He's so gwapo talaga!"
"Nalaglag 'ata panty ko!"
Napakunot ang aking noo sa mga narinig. Nilibot ko ang aking paningin. Then I saw four male students entering the canteen.
Really? Ito ba pinagkakaguluhan nila?
Well, kung looks lang naman ang pag-uusapan ay check na check silang apat. Mala-koreanovela pa ang entrada nila.
Pero napako ang tingin ko sa lalaking nauunang maglakad sa kanila. Maangas kasi ang dating at nakapamulsa pa ang isang kamay sa suot nitong black slacks. Habang ang isang kamay naman ay may hawak na gusot-gusot na blue polo. Kaya tanging white fitted shirt lang ang pang-itaas nito.
In all fairness sa batang 'to. Nasa tamang pwesto ang mga muscles.
Napansin ko ring putok ang gilid ng labi nito dahil may konting dugo pa. Hmm, napaaway ang mga 'to for sure. Ganun din kasi ang itsura ng mga kasama nya.
Nakatitig lang ako sa kanya kaya di ko namalayan na nasa tapat ko na pala sila.
Nakatingin silang apat sa'kin at napansin ko ang biglang pagkunot ng noo nitong lalaking nasa unahan nila. He must be their leader. Well, hula ko lang naman. Kasi ganto yung setup ng mga siga sa school sa mga napapanood kong Koreanovela.
Then he suddenly spoke, that pulled me out from my deep thoughts.
"You must be a transferee. Mukha kasing di mo alam na sa amin ang pwestong 'to."
Feeling ko gininaw ata ako. Sobrang cold naman kasi ng boses. Daig pa yelo.
Pero what? Pwesto? Kaya ba pinagtitinginan ako ng mga students dito kanina pa?
But I don't like the way he talks to me. Isn't it obvious that I'm older than him?
Masyado syang maangas. Walang galang.
At teka, anong transferee pinagsasabi ng batang 'to?
What the--
Mukha ba 'kong estudyante? I'm a professor for goodness sake!
Huminga muna ako ng malalim at tumayo. Well, feeling ko nanliit ako. Matangkad pa sa'kin ang batang 'to eh. Alagang Cherifer siguro.
BINABASA MO ANG
Cupid's Aim Was A Little Off (ON-HOLD)
Художественная прозаEver fallen in love with someone who you shouldn't have fallen in love with? Maddison Altamirano is a substitute professor in Samaniego International School. A very dedicated one. Teaching means a lot to her until she met her stubborn and handsome s...