Panaginip Lang Pala

13 0 0
                                    

Hindi ako makatayo mula sa aking pagkakaupo. Ako'y napapaluha sa dagan ng aking dibdib. Ika'y dumating para sa akin, itinayo mo ako mula sa aking pagkakaupo.  Ako'y iyong inalalayan habang naglalakad. Hanggang sa tayo'y mapadpad sa isang lugar. Nahihiwagaan ako dito, hindi ko maintindihan. Parang pamilyar sa akin itong lugar, pero hindi ko alam kung nasaan tayo. Ganun pa man hinayaan ko nalang, ibinaon ko nalang sa hukay ang mga katanungang nasa isip ko.
   
Iniharap mo ang aking muka sa iyo at ako'y iyong pinagmasdan, ng iyong mamataan ang aking mga luhang pumapatak galing sa aking mga mata. Ako'y iyong niyakap at hinagkan, ang dagan sa aking dibdib ay unti-unting naglaho at napalitan ng kalakasan ng loob ng iyong ipinaramdam na ika'y nariyan para sa akin. Habang ang tamis ng ating pag-iibigan ay aking nilalasap ako'y nabuhayan ng loob at inakalang hindi tayo magkakawalay kahit na kailan.
  
  "Anong nangyayari? Nasaan ka na?" Katanungang mula sa aking labi na siyang paulit-ulit nitong sambit ng ika'y biglang naglaho. Nalungkot ako ng sobra at ang dagan sa aking dibdib ay unti-unting bumabalik. Sa bawat takbo ng oras na lumilipas ay ika'y aking di pa rin mahagilap.
   
Ako'y may nadidinig na ingay. Ngunit, hindi ko mahagilap kung saan ito nagmumula. Bumalik ang aking paligid at muli kong natanaw ang aking kwarto ng aking imulat ang aking mga mata. Anong takot ang aking nadama sa pag-aakalang ika'y aking hindi na totoong masisilayan pang muli. Para akong nabunutan ng tinik nang aking mawaring

     Ang lahat ng iyon ay
         "PANAGINIP LANG PALA"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 06, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

𝙋𝙖𝙣𝙖𝙜𝙞𝙣𝙞𝙥 𝙇𝙖𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙡𝙖Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon