1ST

5 2 0
                                    


WALANG PAKSA

Isa dalawa tatlo,
Sana sa pagbilang ko nito ay tuluyan ka nang nalimutan nitong puso ko,
Na sana'y pagmulat ko ng mga matang ito,
Wala ng taksil na luhang lalabas mula rito.

Luha?luhang laging pumapatak dahil sa ginawa mo,
Luhang walang tigil sa pag agos dahil sa sakit na dinulot mo,
Pusong nawasak dahil umasang tutupadin mo,
Tutupadin ang pangakong ako,ako lang at wala ng iba pang nandyan sa puso mo.

Sabihin  na nating tanga ako,
Tanga dahil umasa't nag bulagbulagan ako,
Nag bulag bulagan sa pag ibig mo,
Pag ibig mong di totoo.

Masakit ngunit ipinag patuloy ko,
Pinagpatuloy na lumaban kahit alam kong sa bandang huli talo parin ako,
Talo dahil kahit minsan hindi naging ako,
Hindi naging ako ang minahal mo,
Hindi ako ang syang nilalaman nitong puso mo,
Hanggang kailan hindi ako at hinding hinding magiging ako.

Parang sirang plakang paulit-ulit sa utak ko,
Sira, parang sira ako dahil sayo,
Dahil ikaw parin itong laman ng puso ko,
Puso kong kailan man di ko alam kung bakit minahal nya ang isang pekeng katulad mo.

Kailan nga ba ako mag wawagi sayo?
Kailan ka kaya babalik sa piling ko?
Ay nalimutan ko,
Masaya kana pala sa piling ng minamahal mo.

Ngunit bakit hanggang ngayon umaasa parin ako?
Umaasang pipiliin mo ako,
Hanggang ASA nalang pala ako.

Ako,ako diba ang nauna dyan sa puso mo?
Pero bakit sya ang piniling wakas mo?
Di pa naging sapat ang lahat na nagawa ko?
Di pa ba sapat lahat ng sakripisyong binigay ko?

Sabihin mo nang malinawan ako,
Sabihin mo para di ako nag mumukhang tanga dito.

Masaya kana,
Habang ako nandito nag luluksa,
Hindi dahil may namatay na kaibigan o kapamilya,
Kundi dahil sa pusong iniwan nalang ako ng basta basta..












A/N : so sinulat ko to dahil na alaala ko yung lalakeng mahal ko this is not just an ordinary poem dahil sa poem na yan lahat ng sakit sa puso binuhos ko.wahahahahah oh kayong mga readers dyan simpleng paalala lang to "HUWAG KAYO MAG MAHAL NG PADALOS DALOS HUWAG NYO RING IBUHOS LAHAT KASI DI NAMAN SIGURADO KUNG NAKATADHANA TALAGA SYA PARA SAYO"

Babyeee😊

Poems about nothingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon