***
Pag gising ko wala sa kwarto si Freda,baka nasa sala sabi ko sa isip ko.Pumunta muna ako sa cr para mag hilamos at pagkatapos ay pumunta na sa sala.Nakita ko agad sya kaya lumapit agad ako sakanya.
Tumabi ako sakanya at nakiaagaw sa kinakain nyang spaghetti.Pinalo nya yung kamay ko at tinuro yung kusina para kumuha ng sarili kong pag kain,napa irap naman ako sakanya at pumunta sa kusina at kumuha ng sarili kong pag kain,kaarte eh....
Bumalik ako sa tabi ni Freda at nag simula ng kumain.
Kinalabit nya ako at tumingin naman ako sakanya agad."Friend,dali na gawa kana kasi"sabi nya habang ang kamay ay nakakawit sa braso ko,napairap nalang ako dahil nag sisimula nanaman syang mangulit sakin,kung hindi ko lang to kaibigan siguro na sapak ko na to kakulit eh...
"Hayst,oo na oo na para tumigil na yang pangungulit mo.happy?"pag suko ko sakanya ..ang kulit kase eh araw araw nalang tsk tsk..tinuloy ko na yung kinakain ko at yung katabi ko naman sayang saya hayst....
Pag katapos naming kumain ay hinugasan ko muna yung pinagkainan,kahiya naman ako na nga lang yung nakikikain di ko pa huhugasan yung pinag kainan HAHA....
Pag pasok ko sa kwarto ni Freda ay nakita ko agad sya nakaupo sa higaan,tumabi naman ako sakanya."Alam mo friend madaming nag kakatuluyan dahil sa rp"kilig na sabi nya naman sakin.
"Oh ano gawin ko?"sagot ko naman sakanya."Wala akong pake" dugtong ko pa."Friend harap ka sakin"sabi nya sakin at sumunod naman ako.Napa sigaw naman ako ng bigla nya ako pitikin sa noo."Ahhh!!!ano ba problema mo bakit mo ko pinitik??" inis na sabi ko sakanya habang himas himas ang noo,kasakit..."Alam mo ang bitter mo masyado..imbis na wala kalang bebe ganyan ka na mag salita tsk"sabi nya naman sakin"Porket wala lang bebe bitter agad pwede bang wala akong time saganyan ganyan"sagot ko naman sakanya habang nakakunot ang noo.
"Walang time-walang time,ang dami mo ngang time friend"pilosopo na sagot nya naman sakin,sarap sakalin eh noh...
Na-curious ako kung bakit biglang nanahimik yung isa kaya lumapit ako sakanya.
Tinignan ko naman kung anong ginagawa nitong katabi ko kase biglang natahimik."Psst anong ginagawa mo?" tanong ko sakaya habang kinakalabit "Nagagawa nang rp account mo"simpleng sagot nya sakin.Tsk tsk kala ko nakalimutan nya na hayst....
"Friend ano gusto mong pangalan sa rp?"tanong nya sakin"ikaw na bahala"sagot ko sakanya at humiga sa higaan"Wait isip lang ako"sabi nya sakin, tumango nalang ako sakanya.
after 10 minutes...
"Aha!!alam ko na friend"masaya nyang sabi sakin habang niyuyugyog ako" ano naman?"simpleng tanong ko sakanya "Xia Kim,maganda ba?"nakangiti nyang tanong sakin,napatango nalang ako sakanya,well maganda naman...
Pag katapos nyang gawin yung rp account ko ay binigay nya sakin yung phone ko,hindi ko napansin yun ah phone ko pala gamit nya kanina pa...Sinabi nya din sakin lahat ng bawal na sabihin kung may mag tanong sakin.
Bawal sabihin ang true name.
Bawal sabihin yung exact location ko.
And marami pang iba..Ni log-out ko muna yung rp account ko at nanood nalang ako ng videos,baka sa sunod na araw ko nalang gamitin yung rp account ko.
Habang nanonood ng video ay dinalaw naman ako ng antok.Tinignan ko muna kung anong ginagawa ni Freda at walang pinagbago nag a-rp nanaman hayst.
Pinikit ko na aking mga mata at ilang minuto lang ay..
"Ahhh!!"tili ni Freda at minulat ko naman ang mga mata ko"Anong nangyari?maymagnanakaw?may sunog?"tarantang tanong ko sakanya
"Anong magnanakaw at anong sunog pinagsasabi mo dyan?"nagtatakang tanong naman nya sakin habang nakangiti"Bat kaba kasi sumigaw ha?"inis na tanong ko naman sakanya"wala yung bebe ko kasi dito sa rp kakilig eh"kamot batok nya namang sagot sakin"Hayst"napa bugtong hininga nalang ako,kala ko kung ano ng nangyari , kinabahan tuloy ako ibang klase kiligin ng isang toh tsk..
To be continued...
sorry for typo..
huhuhu continue reading axaries louv you'll...
please follow me and don't forget to vote hehe....
❣️❣️
YOU ARE READING
𝐑𝐏𝐖 ᵃⁿᵈ 𝐑𝐖 (On-Going)
RandomNung naimpluwensyan ka ng kaibigan mo gumawa ng RPW acc at sa hindi mo namalayan ay nahuhulog kana sa isang lalaking hindi mo naman kilala sa personal.... Pero di mo din inaasahan na may nahuhulog narin sayo sa personal... Kung umabot sa time na pa...