Book 1

18 0 0
                                    

Nico.

Pitong taong gulang ako noong una ko siyang nakilala. Magkapit-bahay, magkaklase, magkalaro. Wala akong kapatid kaya siya na lang ang ginawa kong kapatid. Kung hindi sa bahay nila ay sa bahay namin kami naglalagi, lalo na kapag walang pasok. Kapag nasa eskwelahan naman, hindi pwedeng hindi kami magkatabi. Kung aphabetical ang basehan, magkatabi pa rin naman kami. Cortez, Migrette at Cuelliz, Nicolo Ynnesd. 

Grade five—sampung taong gulang. Nadagdagan ang mga kaibigan ko. Lahat lalaki, lahat naiintindihan ako at sa kung ano ang hilig ko. Nawalan ako ng oras para sa kanya, ganoon din siya sa akin. Nasa section siya ng mga masisipag at matatalino, ako naman ay nabilang sa mga pa-chill chill lang. Sa taong ito, unti-unti siyang nawala sa akin. Hindi ko alam kung papaano. Basta nangyari na lang.

First year high school noong tinanggap ko na hindi na siguro talaga babalik ang dati. Hindi na kami yung mga batang pwedeng gawing tandayan ang isa't isa sa gabi. Hindi na kami yung kumakain sa iisang plato sa umagahan. Hindi na kami yung magkahawak ang kamay na tumatakbo habang bumubuhos ang ulan. Hindi ko na siya kayang hawakan, yakapin, kausapin o kumustahin man lang. Pero kaya ko siyang pagmasdan nang hindi niya nalalaman. 

Palayo kami ng palayo sa isa't isa. Palalim ng palalim ang nararamdaman ko sa kanya.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 10, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Luzuriaga II: Mico & NicoWhere stories live. Discover now