PAGTINGIN

24 9 0
                                    

CHORDS: C-G-Am-F

Ako ngayo'y nakaupo
Heto na naman siya nanggugulo
Tila ba 'di na maawat
Na sad'ya o bigla na lang sumusulpot sa isipan.

Nu'ng ika'y aking makilala
Tanda ko pa nu'ng ako'y iyong tawagin
Kaya ako'y napalingon na lamang
Nagtataka't lumapit na lang sabay ngiti sa'yo.

'Di man kita lubusang kilala
Pero ako'y umiibig na sa'yo
At pagtingin sa'yo'y 'di maikubli
Umiibig na nga ba ako sa'yo?

Sinubukan kitang titigan ng palihim
Baka sakaling magkagusto sa'yo
O 'di kaya'y mahanap
Kung sino ba talaga 'yung taong...

Mamahalin ka, 'yung 'di ka iiwan at 'di ka sasaktan
Mamahalin ka, 'yung ipaglalaban ka kahit na hadlangan pa.

Mamahalin ka, mamahalin ka, mamahalin ka, 'yung 'di ka iiwan
Mamahalin ka, mamahalin ka, mamahalin ka, 'yung 'di ka sasaktan
Mamahalin ka, mamahalin ka, mamahalin ka, 'yung ipaglalaban ka
Mamahalin ka, mamahalin ka, mamahalin ka, kahit na hadlangan pa.

Psalms (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon