TITIG
Sa madilim na kalsada ako’y naglalakad, tila ako’y may hinahanap. Kahit kunting aninag ng liwanag ay di ko maaninag. Nais ko huminto subalit ang aking mga paa ay ayaw pa rin huminto.. Sa aking patuloy na paglalakad may isang babae na naka agaw pansin sa akin sapagkat siya’y nakayuko lamang kaya’t siya ay aking nilapitan. Biglang huminto ako sa aking paglalakad. Ng simula kong buksan ang aking bibig siya’y biglang tumingin sa akin. Isang matandang babae na parang nakita ko na subalit di ko matandaan . Sa isang kurap ng aking mga mata nagbago ang itsura ng matandang babae,siya’y isang duguang babae at bali ang kanyang kaliwang kamay. Sa aking pagkagulat ako’y tumakbo ng tumakbo. Malayo na rin ang aking pagtakbo.Pagka lingon ko sa likod wala na ang matandang babae subalit sa aking muling pagharap ang matandang babae ay palapit ng palapit sa akin.Siya’y naklutang. Nais ko ulit tumakbo palayo muli sa kanya subalit ang aking mga paa hindi na ulit makakilos. Kaya ako’y ?
COME WITH ME… COME WITH ME…YEAH… (tunog ng alarm clock sa cellular phone ko). Agad akong napabangon sa aking higaan. Talamak ang pawis sa aking buong katawan kaya’t napagisipan ko na agad maligo subalit di pa rin napawi sa aking isipan ang matandang babae sa aking panaginip kahit sa pagkain ng almusal siya pa rin ang aking naiisip.
“Hoy ineng, Kape na ng tatay mo ang iniinom mo. Huwang kang tulala kaagaaga ah.”
Sambit ni Ina sa akin habang kami’y nasa hapag kainan.“Ay.. sorry po ma.” Sagot ko sa kanya.
Kaya napag isipan ko na itigil muna ang pag iisip ko sa matandang babae. Ako’y natapos na sa pagkain na ng almusal kaya ako’y nagpaalam na sa aking magulang na ako’y papasok na sa aking minamahal na unibersidad. Sa aking paglalakad patungong sakayan, may naaninag akong matandang babae tila’y nakita ko na ngunit di ko maalala kung kailan. Nais niyang tumawid sa kabilang kalsada subalit may mga sasakyan na mabilis na umaandar. Ng ako’y palapit na kanyang kinatatayuan upang pagsabihan na huwag tumawid doon sapagkat delikado, Siya’y naman ang simula niyang paghakbang sa kalsada kaya mabilis akong pumunta sa kanya upang siya’y iligtas. Sa aking pagsagip sa kanya may mabilis din na 10 wheeler truck patungo sa aming dalawa subalit sa pagtingin ko ulit kay lola, wala na siya ako’y nakatayo na lamang sa kalsada, nais ko umalis sa kinatatayuan ko pero ang aking mga paa di man lang makalakaalis,……
Ako’y nagising at bumangon ulit sa higaan tila’y panaginip ang nangyari. Dating gawi ako’y naghahanda para pumasok. Pumunta ako sa kusina ngunit wala si itay baka maaga lang siya pumasok. Si inay naman ay may lungkot sa kanyang mga mukha. Siya’y aking kinausap subalit wala siyang imik para ako’y kausapin, Siya’y tumayo lamang sa kanyang kinauupuan. Nasa isip ko nalang ay baka nag away lang sila ni papa kaya di ko na pinansin. Kaya umalis nalang ako sa bahay kahit walang kain baka mahuli na ko sa klase. Sa aking paglalakad patungong sakayan nakikita at naririnig ko na naman ang mga dakilang tsismosa sa amin. kaaga-aga nagkukwentuhan.. Ang tanging naririnig ko lang sa kanila ay may patay.
eh SINONG PATAY ? siguro may patay na naman sa aming lugar. Sambit ko sa sarili. Tinignan ko lamang sila at tumitingin din sila sa akin. Kaya patuloy pa rin ako sa paglalakad patungong sakayan ng jeep . Buti nalang di siksikan sa jeep na aking nasakyan. Ako’y umupo sa likod ng driver at ako’y nagbayad “Ma, Bayad po. “ sabay na sambit ng aking katapat sa aking kinauupuan at agad naman niya ito kinuha. Mahaba mahaba din ang aking pagbiyahe buti hindi trapik at ng malapit na ko sa unibersidad na aking pinapasukan ay mag nagsabi na “Para po” at ako’y sumabay na sa kanyang pagbaba. Ako’y agad pumasok sa aming silid aralan buti nalng di pa ko huli sa klase. Nandun na ang aming guro subalit di naman siya nagtawag ng mga pangalan para sa attendance,Siya’y nagturo lang.Lunch break…
Nagkukumpulan ang aking mga kakaklase tila’y may kwentuhan na naman na nagaganap. Lumapit ako para makinig pero bigla din sila umalis ng malapit na ko sa kanila dahil may sasabihin daw ang aming presidente. Ng simula nang magsalita ang president namin biglang tumakbo palabas ang aking matalik na kaibigan na si joyce kaya siya’y aking hinabol. Pero ayaw niya huminto kahit anong tawag ko sa kanyang panagalan. Pumunta siya sa comfort room upang siya’y maghilamos. Pero nakikita ko pa rin ang bugto niyang mga mata. Siya’y aking kinausap subalit tumingin lamang siya sa akin at bumalik na sa aming silid aralan. Wala na kong balak itanong sa mga kaklase ko kung ano ang kanilang napag-usapan mukhang di naman importante. Kaya pagkatapos agad ng klase napagpasyahan ko na umuwi nalang. Trapik kaya napilitan akong maglakad. Sa aking paglalakad naalala ko muli ang aking panaginip tungkol sa isang matandang babae. Naguguluhan ako kung ano ang gusto ng matandang babae sa akin baka may gusto siyang ipahiwatig sa akin. Sa sobrang pag iisip ko. Malapit na pala ako sa aming tiraha. Naaninag ko na kakaiba ang ilaw na gamit namin at ang daming tao.
“Nagpatayo na yata sila inay ng pasugalan sa bahay” sambit ko sa sarili ko habang may kabang di ko maipaliwanag .
Nakita ko si brownie ang aso namin na 2 taon na . Siya’y nakatitig sa akin at tahol ng tahol ng ako’y palapit ng palapit sa aking bahay at ito’y agad namang lumayo subalit patuloy pa rin ang tahol kaya lumingon ako sa likod ngunit wala namang tao. Di ko nalang pinansin baka may nakain na naman ito kaya mukhang nauulol na. Ng ako’y nasa gate na . labis na ang aking pagtataka may kabaong na nakalagay subalit di ko agad pinuntahan sapagkat ako’y takot kung sino ang loob nito. Kaya pumunta ako sa loob ng bahay para tanungin si ina .siya’y nakaupo muli sa lamesa n gaming kusina at nakatulala. Muli siya ay aking tinanong subalit wala na naman siyang imik tumayo muli siya sa kanyang kinauupuan dahil may bisita daw sa labas. Lumingon ako sa bintana namin na tanaw ang labas ng bahay. May napansin akong matandang babae na patungo sa kabaong. Kaya ako’y lumabas ng sa bahay at agad ko siyang nilapitan at kinausap subalit wala siyang tugon pumunta lamang siya sa kabaong. kaya siya’y aking sinundan. Magkatabi kami ng nakita ko na kung sino ang laman noon siya’y humawak na mahigpit sa aking kamay, Nais ko sana pumiglas subalit di ko magawa, mahigpit ang kanyang pagkakahawak . Ang nakita ko sa kabaong ay mismong AKO. Putol ang kamay at maraming sugat kahit puno na ng kolerete ang aking mukha. Muling bumalik ang alaala ko sa panahong may iniligtas akong matandang babae. Ng ako’y lumapit sa kanya. Siya’y biglang naglaho at patuloy humarurot ang 10 wheeler truck, ang aking kamay ang nadali at may ibang sasakyan ay nasagaan din ako. Ako’y tumingin muli sa matanda na tila’y may luha sa aking mga mata ngunit siya ay tumingin sabay ngiting di mawari. Patuloy pa rin ang kanyang pagkakahawak sa aking kanang kamay di na ko nagpumiglas sapagkat naghihina na ko at ako’y dinala niya sa mundong di ko alam.
BINABASA MO ANG
TITIG
HorrorMaikling kwento tungkol sa isang babae kung paano nya alamin ang sagot sa tanong nya.