CHAPTER 26

39 13 2
                                    

Chapter 26


His last words still echoing on my ears. Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Mabuti nalang at bumalik si Zephyr sa loob.

"Cap, we need to proceed to our plans as soon as possible." nagsusuot pa siya ng bulletproof vest bago lumabas.

Napatingin ako sa tabi ko at nakita siyang nag-aayos na rin ng mga baril at isinuot ang ibinigay ni Zephyr na bulletproof vest. Tumayo na siya at... napalunok nalang ako nang umukod siya sakin para dampian ng halik ang labi ko.

"I'm sorry.." he leave after saying that.

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa inis na nararamdaman. Ano bang nangyayari sayo, Astrielle? Kahit yata ilang beses ko itong itanong sa sarili ko ay hindi ko parin makuha ang sagot.

Nag-aasist ulit ako sa operasyon na ginawa ni Doc. Gazco. Ilang sundalo ang ginamot namin dahil sa pagsabog daw na nangyari at ang ilan naman ay natamaan ng bala. Sa bawat oras ay may nalalagay sa alanganin na buhay, sigurado akong nagdiriwang na ang mga teroristang ito dahil sa mga nangyayari.

Kailan magiging payapa ang lungsod na ito, kung palaging dito gumagawa ng gulo ang mga teroristang ito. Isama mo pa 'yong Senador na mapanlinlang. Tupa sa harap ng presidente pero oras na tumalikod na ito ay nag-aanyong tigre.

Dilim na ang paligid nang bumalik sina Captain sa kampo. Pumasok sila sa tent na kinaroroonan ng mga pasyente para tingnan ang lagay ng mga ito. Tinapos ko na ang paglalagay ng benda sa braso ng isang sundalo bago ako tumayo.

"Nakita namin ang sasakyan ni Senator Cruz kanina." sambit ng isang sundalo na nakahiga sa patients bed dahil sa natamong tama ng bala sa may tagiliran. Nakapalibot sa kanya ang mga sundalong tila inuusisa ito. "Sinundan namin pero nasa kalagitnaan palang kami ng gubat kung saan sila nagtungo ay may nagpaulan na ng bala sa amin. At bawat daanan namin ay may nakatanim na bomba. Hindi ko na nalaman kung saan napapunta ang mga kasama ko doon, ang huling narinig ko lang nang mawalan ako ng malay ay pagmumura ng isang babae-'Teka nandito ba si Velasco?"

Inikot ng mga sundalo ang paningin sa mga pasyente. "Wala," sagot ni Cimmerian.

"Kasama namin siya at siya lang ang wala dito?" napamura ang sundalo.

Hinugot ni Lukariah ang radio niya at nagsalita doon. "Lieutenant Commander Mallari. Over."

"Sergeant Santos speaking. Over."

"Kasama niyo ba si Lieutenant Velasco ngayon? She's not here. Over."

"She's not here. Over."

Binaba niya na ang radio at napasapo sa noo. "I will find here location." mabilis na umalis si Lukariah. Narinig ko ang mura ni Captain at mabilis na ring umalis.

He didn't even notice that I'm here. Napailing na lang ako bago nagpatuloy sa pagchecheck-up sa mga pasyente.

"Elle, kumain kana?" lumapit sakin si Zin nang matapos kami sa ginagawa.

"Hindi,"

"Icheck mo nga ang BP mo, halata sa mukha mong tumataas na naman ang dugo mo." she raised her brows on me.

LOFREHO Warriors Where stories live. Discover now