Chapter 1: Love Hater

65 4 9
                                    

All we need is Love

Love is all we need

Love underneath the tree

Love is everything.

          Hayy ka aga-aga love agad ang bumungad sa pagkagising ko. Badtrip naman si Ate Jhen ei ang lakas lakas ng tugtog parang kagabi lang iyak siya ng iyak dahil sa walang kwentang love na yan tapos ngayon ganyan na naman siya. Hayyyy. Ang nakakainis pa parang pinamumukha sa akin ng kanta at ni Ate Jhen na wala akong love life. OO na single na ako. So what naman diba? Taas nga kamay ng mga single diyan. Wohoooo wagayway pa. hahahha o kahit single ako kaya ko pa ring ngumiti mas masaya nga ata ako sa may mga karelasyon kase easy lang ang buhay ko. Wala akong dapat intindihin, walang dapat pakisamahan, walang dapat masaktan diba? Basta para sa akin buwisit ang Love. Medyo gasgas pero eto lang talaga ang pwedeng term ISTORBO ang LOVE.

          Bumangon na ako sa pagkakahiga tsaka na ako magpapakabitter sa love na yan. Lalo ko kasing hini hate ang love ei kaso natatakot naman ako sa kasabihang “the more you hate, the more you love” so possible na mainlab ako sa love. Anu daw? Basta yun nay un gets?? Binuksan ko na lang ang laptop ko para makapag fb ako.

1 new notification

 

Pagka bukas ko sa noti.  Yllana Suarez invites you to play the love me challenge.

Whattta? Yung totoo? wala na ba silang ibang magawa sa buhay? Syempre ako to si Love hater dinedma lang ang noti. Whatta sasayangin ko lang oras ko sa walang kwentang challenge nay un. Bumalik ako sa home at nagbasa basa ng mga post don ng kung sinu-sino.

Eto lang naman ang mga naka post:

“We fall in love by chance, we stay in love by choice.”

“My heart is, and always will be yours.”

“Ever since I met you, no one else has been worth thinking about.”

I’m in love with you, and all your little things.”

 

At marami pang katangahan ang nabasa ko. Hindi ko na lang binasa dahil sumasakit na ang magaganda kong mata. Dah like I said sayang sa oras at sayang sa ganda ang pagbabasa ng ganyan. Ilan bang tanga ang naniniwala sa love? Nakakainis na talaga yang LOVE nay an. Hayyy.

          Pababa na ako ng marinig ko si Ate Adria sa kwarto niya na nagsisigaw sigaw. Sinilip ko kung ano ang dahilan ng pag sigaw niya.

Ohh anong nagyare?” tanong ko sa kanya na tila nag-aalala at nagtataka.

Look here lil’ sis” tawag niya sa akin habang tinuturo-turo ang laptop niya. Tinignan ko kung anu yun at wapak isa na namang katangahan sa mundo and take note ahh ate ko pa. Curious ba kayo kung anung nakita ko? Hindi? K fine nevermind. Sabihin ko na nga kahit hindi kayo interesado.

Eto lang naman.

Alvin Centro sent you a message

<3

          Ayan lang naman. As in ayan lang. Sinamaan ko ng tingin si ate Adria. Seriously? Matatangalan na siya ng lalamunan kakasigaw dahil lang sa nakatanggap siya ng puso sa crush niya? Yuck as in yuck na yuck.

I Don't Even KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon