PART 7💫

116 6 2
                                    

Habang nakaupo sa labas ng kwarto ay pinipilit pa rin ni New na pigilan ang pag iyak niya. Napansin naman ni Earth na maga na ang mata ni New kaya alam niyang kanina pa ito umiiyak.

"Kanina pang iniwan mo ako sa restaurant tinatanong ko na si Gun kung anong nangyari at kung saan ka nagpunta. Hindi naman niya ako sinagot at basta nalang dinala ako dito... So siya pala ang dahilan kaya umalis ka bigla. Sino siya Babe? Anong relasyon mo sa kanya para umiyak ka ng ganyan?" nagtatakang tanong ni Earth.

"Nung araw na bumalik ka sa akin... yun din ang araw na magiging kami dapat. Ang araw na nasaktan ko siya ng sobra! Kulang pa ang pag iyak ko ngayon kumpara sa mga araw na iniyakan niya ako. At kahit nasa kritikal na ang buhay niya, pangalan ko pa rin ang binabanggit niya... Ako pa rin ang nasa isip niya! Sobrang sakit ang nararamdaman niya ng dahil sa akin... at ang masakit pa wala akong magawa! Dahil sa oras na may gawin ako... ikaw naman ang masasaktan ko!" sabay humagulgol ng iyak si New.

Niyakap lang siya ni Earth at inintindi ang nangyayari. Inisip din nito na siguradong naguguluhan si New sa sitwasyon nila ngayon. Habang nakayakap sa kanya si New at umiiyak ay siya namang pagpigil ng iyak ni Earth. Nasasaktan din siya sa sitwasyon nila ni New. Mula nung araw na nagbalikan sila ay napansin niyang nagbago na si New. Hindi na siya tulad ng dati na palaging nakatawa at para bang wala siyang problema. Dati magkasama lang sila masaya na si New... ngayon kahit buong araw pa sila magkasama at kahit ano pang gawin ni Earth ay hindi niya mapatawa si New.

"Sorry babe. Hindi ko dapat ginagawa ito sa tabi mo. Hindi dapat ako umiiyak ng dahil sa ibang lalaki..." malungkot na sabi ni New habang nakatitig kay Earth.

"Don't worry Babe. I understand!" sabay pinunasan niya ang luha ni New at ngumiti.

"I'll give you time. You can take care of him habang nandito siya sa hospital. Sigurado akong paggising niya ikaw ang hahanapin niya... Hindi makakatulong sa kanya kung wala ka sa tabi niya!" nakangiting sabi ni Earth habang hawak niya ang kamay ni New.

"Thank you. Thank you babe! Don't worry tuloy ang kasal natin..."

"Oh sige na pumasok ka na doon! Baka magising siya wala ka sa tabi niya... Uwi na muna ako sa bahay. Just call me if you need anything okay?"

"Yes babe... Thank you again!"

"No problem Babe... Mahal kita kaya iintindihin ko lahat!" at hinalikan niya si New. Pagkatapos ay agad na tumayo at naglakad paalis. Kasabay ng unang akbang niya ay ang pagtulo ng luha niya na kanina niya pa pinipigilan. Sa mga oras na 'yon ay sobrang sakit ang nararamdaman niya. Sino ba namang hindi masasaktan sa sitwasyon na meron siya. Pumayag siyang alagaan ni New si Tay, kahit pa alam niya sa sarili siya ang taong minamahal ng mahal niya.

 Pumayag siyang alagaan ni New si Tay, kahit pa alam niya sa sarili siya ang taong minamahal ng mahal niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
TAYNEW | DESTINYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon