BTS(His Name)
randomsht
Erin's POV
"Satingin niyo?" Tanong ko sakanila.
"Oo nga sigurado naman ako, wag kayong mag-alala." Sabay hawak ni Leah sa balikat namin ni Elle
"Babagsak tayo!" Dagdag niya pa at napanganga kami.
Umupo kami sa gilid ng hagdan dito kami nakatambay palagi pag recess, kaso lumch ngayon wala kaming moneh kaya dito muna kami. Katabi 'to ng elevator, harap ng bulding namin na nasa dulo ng Hallway.
"Nakahinga na pa man din ako tapos sasabihin mong babagsak tayo? Pakyu." Death glare ni elle kay leah.
Totoo, kahit na ako.
"Hehehe sorry sorry." Tapos ng peace sign pa ang gaga.
"Maiba ako, Rin nakasabay namin kahapon yung sinasabi mong kahawig ni Jungkook dun sa may tusok tusok kasama yung mga barkada niya." Omg
"Tapos? OuO"
"Alam ko na yung pangalan nun." O m g
"Anoooo? Sabihin mo sabihin mo sakin?!?!?!" Nahawak pa ko sa kwelyo ng uniform niya
"S-san-dali hin-di ak- ak- " binitawan ko na yung kwelyo niya hays kailangan mo na talagang mag diet Leah
"TANGINA MO HA ERIN?!? PAPATAYIN MO AKO NOH?!?!?! KUNG GUSTO MONG MAG DIET AKO SABIHIN MO WAG YUNG GANITO TANGINA."
Tanggap ko na shape mo Leah. T^T
"Hindi ayoko, pangalan? anong pangalan nung kamukha ni Jungkoooooook!"
"Eto na, namo di makapaghintay?" There she rolls her eyes
"Tinawag kasi siya nung kaibigan niya, 'Wendel' yung tinawag sakanya. Hindi ko alam anong surname eh."
Wendel
Ang cute ng pangalan niya.
"E se-search ko nalang sa facebook hehehehehe." -Ako
BINABASA MO ANG
BTS Randomsht
Teen Fictionrandomsht ft. Jungkook's incredible nose /insert erin's laugh here/