Stay By Your Side 1

1.2K 28 4
                                    

Papasok na ako sa aming classroom dahil magte-take pa ako ng exam. Huhu. Hindi pa pala ako nakaka-review at sa sobrang katangahan ko kagabi. Naiwan ko pala ang notes ko sa locker room namin. Hi, I'm Kath. A simple student with a big dream. Uy, english yun ah! Joke lang. Marunong akong mag-english no. Kayo naman. Masyado niyo akong minamaliit. Huhu.

"Bespreng!" Panget naman ng tawagan nila. Bespreng? Pfft. Chip-- I mean, Cheap!

"Duddeeeee!!" Masyado namang rockstar si Koya. Nahiya ako ah!

"Baby~" Ay! Morning sickness? Morning lande~ Ang aga-aga lumalandi agad? Di ba pwedeng review muna sa exam? Psh. Girls talaga. Wow! Parang ako di girls. Pero di malandi.

"Bes!!" Aray ko! KAILANGAN SA TENGA?! Bwisit na to! "Hoy panget magsalita ka" Edi wow! Ikaw na gwapo. Nahiya naman daw ako sayo. Inirapan ko lang siya.

"Maka-'Bes' ka naman. Correction, kaibigan lang kita" I corrected. He's my friend since Elementary days. It was 7-8 years ago? I don't know. Pero siya, bestfriend na ang turing sakin. Pero gusto ko kasi mas hihigit pa dun.

"Eto naman PMS agad?" Eh ikaw ba naman ang mambwisit sakin?


Sinuot ko ang earphones ko pagkapasok na pagkapasok at pagkaupo ko sa upuan ko, malamang alamang. Common sense. Kcorny.


"Jealousy, turning saints into the sea. Singing through sick lullabies. Choking on your alibis. But it's just the price I pay. Destiny, is calling me. Open up my eagle eyes. 'Cause i'm Mr. Brightside." Kanta ko yan. Ganda kaya ng boses ko!


"Ms. Bernardo. Are you even listening? I said, take your exam now." Exam na?! WALA PA AKONG NIREREVIEW! Tinignan ko si Dj na tumatawa. Bwisit talaga tong asungot na mokong na to!

***

Natapos ko din ang exam sa awa ng diyos. ABA, JUSKO. May part na mahirap pero dahil matalino ako, may part na madali naman. Thank God! I don't need anyone's help. Even my bestfriend who treats me as bestfriend, no benefits. Huhu, iyak na dali.


"Hindi ka nagreview?" Teka. Bakit parang ang seryoso naman ata niya? Nasaniban ba to? Nagkasakit? Baka naman in-injection-an ng pampabait.

"Anong problema mo?" Hinawakan ko ang noo niya. Wala namang sinat. Baka... Oh no! Don't tell me... "Busted ka o iniwan ka ng girlfriend mo?" Pwede naman kasing ako na lang, diba?


"Both... Joke! Ano kasi..." Hay nako. Hindi ba siya nasasaktan? Hindi ba siya nahihirapan? Hindi ba siya nagsasawa? Kahit paulit-ulit na lang? Kasi ako? Pagod na pagod ng intindihin siya. Umupo siya sa bench at nilagpasan ko siya. Nagdire-diretso na lang ako. Kasi siya? Kung hindi siya nasasaktan. Ako? Sobra pa sa nasasaktan.

***

1 year have passed. Ang bilis ng araw no? Pero para sakin ay hindi naging madali ang lahat. Sa ngayon, ayos pa ako. Pero kapag bumalik na naman siya. Ano na naman kayang mangyayari sakin? Kakailanganin ko na naman ng doctor para sa pesteng sakit na to? Pasensya na. Eto ang nagawa sakin ng pagmamahal.

Lalo na nung nalaman kong umalis siya ng bansa at iniwan ako. Nasaktan ako. Kasi yung mahal ko umalis na. At hindi ko man lang naamin sa kanya na mahal ko siya. Pero kung di naman siya manhid ay mararamdaman niya yun. Umalis siya dati pero ang balita ko ngayon ay wala ng mas sasakit pa sa pinaka-ubod ng- sobra pa sa sakit. Uuwi na siya. Ang sakit diba? Kasi kasama niya ang 'girlfriend' niya. Eto na naman ang mga luhang walang tigil.

Stay (KathNiel OS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon