My Jeepney Fairytale

574 39 14
                                    

Just like any other fairytale, I'll start this story with a...

Once upon a time...

🎶Sumakay ako sa jeepney
Ikaw ang nakatabi
Di makapaniwala🎶

Uwing-uwi na ako. Shortened period kami ngayon kaya nagmadali akong lumayas sa school. Sabi nga ng mga jejemon-- Ikaw lang, sapat na. Sa lagay ko-- Uwi lang, sapat na.

Isa pa, ang sakit na ng puson ko. Period of the month ko na ata.

Kaya 'eto ako ngayon. Asa jeep na wala pang laman. May sumunod naman nang pasahero pero iisa pa lang. Naku, matagal pa ata ito.

Nakinig na lang ako ng music para hindi mainip. Hanggang...

"Pate, ayun na 'yung jeep galing terminal. Dun na tayo sumakay."

Bumaba kami at lumipat ng jeep. Naghintay pa kami ng ilang saglit lang saka lumarga na ulit ang jeep.

Nagbayad ako sa konduktor na nakasabit sa pinto ng jeep. Fifty pesos ang binayad ko. Thirty five lang ang pamasahe papunta sa amin. Mamaya ko na lang siguro kukunin ang sukli ko, sa isip-isp ko.

Tinignan ko ang relo ko at kulang 30 minutes na lang ay nasa bahay na ako. Huminto kami dahil may sasakay.

Dalawang lalaki ang humakbang paakyat. Ugali ko nang siyasatin ang pagmumukha ng mga nakaksakay ko sa jeep araw-araw.

Hmp, 'di fafable, singhal ko sa utak pagtingin sa unang sumakay.

Iidlip na sana ulit ako nang sumulpot ang kasama nito. Oh-may-gwapo. Nagsisigaw na ako sa utak ko pero poker-faced pa rin syempre para hindi halatain.

Ang ganda ng mata niya. Singkit na attractive.

🎶Parang may hiwagang nadama
Nang tumama sa'yo
Ang aking mga mata🎶

Aww. Akala ko tatabi sa 'kin. Pina-usog ako ng katabi kong babae kaya siya ang nakatabi.

🎶At nagsiksikan na
Dahil tumigil ang jeepney
Sa tapat ng eskuwela🎶

Hindi ko napansin na sa tapat pala kami ng school nakahinto. Ang daming estudyanteng nag-uuwian. Estudyante rin kaya siya?

Pasimple akong tumitingin para 'di naman niya ako mahalata pero nahuli niya ako minsan kaya 'di na ulit ako lumingon.

🎶Biglang nagkadikit
Puso ko'y biglang sumikip
At natulala🎶

Parang nagmamadali ata nag driver at dahil maluwag ang daan ay bumilis ng kaunti ang takbo ng jeep. Nagkadikit.... sila ng katabi niyang babae sa gitna namin. Echosera kasi, pinadasog pa 'ko.

Puso ko'y biglang sumikip at natulala dahil ang epal ni ateng mukhang singit, nakaka-sikip ng kalamnan. Ayun na e!

🎶Sabi nila'y walang hiwaga
Kung wala'y
Ano itong nadarama🎶

Tina-try kong mag-focus sa pinapakinggan kong kanta pero wala e. Ewan. Kinikilig ako. Sakto ay tumugtog ang "Jeepney Love Story" ni Yeng sa playlist ko. Tignan mo nga naman oh.

🎶Ayoko nang pumara kahit san mapunta
Ayoko nang pumara kung ikaw ang kasama
Ayoko nang pumara

Ayoko nang pumara
Ayoko na ahhh
Ayoko nang pumara kahit san pa lumiko
Ayoko nang pumara sana di na huminto
Ayoko nang pumara
Ayoko nang pumara
Ayoko na
Kung ikaw ang kasama🎶

My Jeepney FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon