Ivan's POV
Tatlong taon ang nakalipas ng hindi ko na nakikita ang babaeng nagpatino at minahal ko ng totoo , Paano ba kasi nasaktan ko siya , mali sinaktan ko siya . Nasaktan siya sa mga sinabe ko , pero may rason ako kung bakit ko ginawa yun e . Pero di niyo pa pwedeng malaman tsaka ko na lang sasabihin . Magpapakilala muna ako .
Hi ! Ako nga pala si Lance Ford Padilla , 18 of age at 1st year college na sa Redbridge Academy . Sa looks naman , Pogi , Campus Heartthrob , Dream Boy , Medyo Badboy , Playboy , Mayaman at Matalino . Pero sino magaakala na magkakajowa ako ng isang nerd ? nope Campus Nerd , pero alam niyo siya lang ang nakapagpatino sa akin , well maganda siya , mabait , sweet , matiyaga at mahal ko at mamahalin ko habang buhay siya lang talaga , kaso ang g*** ko pinakawalan ko ng dahil sa isang kasunduan . Sana bumalik na siya ilang taon ko na siyang di nakikita e . Miss na miss ko na siya sobra .
Fast Forward - First Day of School ~
Nasa school ako ngayon dahil ngayon ang unang araw ng pasukan . Tinatamad nga akong gumising kasi anong oras na ako natulog kagabe kasi lagi ko siyang naiisip . Kung di lang kasi umepal yung bruhildang coloring book na yun eh di sana kasama ko siya at kami pa rin hanggang ngayon . Alam niyo ba kung sino tinutukoy ko na BCB(BruhildangColoringBook) , at walang ibang ginawa kundi landiin ako . Nakakainis lang sobra ! -_- Speaking of eto na siya .Hi baby , sabay na tayong pumasok sa room magkaklase naman tayo e malandi niyang sabe , nakakasuka -_-
K sabe ko sa kanya , baka kasi maBadVibes ako , First day of school pa naman
Naglalakad na kami sa Hallway ng may nahagip ang aking pretty eyes , teka siya ba yung nakita ko o namamalikmata lang ako ? O_O Kinusot ko yung mata ko para malaman ko kung totoo ba or hindi yung nakikita ko , pero pagkatapos kong kusutin e biglang nawala . Nakakapanghinayang akala ko pa naman siya na yung nakita ko . Habang naglalakad kami nakasalubong ko yung buong barkada , at kabarkada din nila siya .
Oy Brad ! sabe ni Alexies
Pinsan ! sabe naman ni Kyle
Yow men ! sabe ni Zyp
Hello :) sabe naman ni Justine
Hey ^_^ sabe naman ni Maryrose
Hi :) sabe ni Jienel
Tinanguan ko na lang sila , eto naman katabi na naka-cling sakin na akala mo eh unggoy ngumiti lang siya sa mga barkada ko . Pero di sya kinibo ng mga ito dahil ayaw na ayaw nila dito . Alam kasi nilang siya ang may kasalanan kung bakit hindi na siya nagpapakita sa amin maski sa bestfriend niyang si Maryrose . Sabay-sabay na kaming pumasok sa Classroom . At ilang sandali pa e , dumating na ang aming class adviser for the whole year .
Good Morning Class ^_^ masayang bati sa amin ni Mrs.Dela Cruz
Good Morning Too Mam ! sabay naming bati sa kanya
I have an important announcement to all of you sabe ni Mrs.Dela CruzAno po yun Mam ? tanong ni Maryrose
Well , we have a new transferee here in our School but not today niyo sa makikilala sabe ni Mrs.Dela Cruz
Sino po siya Mam ? sabe ni Kyle
Uhmm , she is the daughter who owns this Academy sagot niya
Pagkatapos sabihin ni Mrs.Dela Cruz yun , nagsimula na ang bulung-bulungan sa loob ng classroom . Sino naman kaya yung new transferee na yun ? Hay nako ! wag ko na ngang isipin , di naman siya siguro importante mas importante siya kesa dun . Kailan kaya siya babalik :( ?
Since , First day pa lang naman pwede na kayong lumabas ng room sabe ni Mrs.Dela Cruz
YAHOOOOOOOOOOOOOOOOOOO ! sigawan ng mga kaklase ko
Papunta na kami ng buong barkada sa Canteen para bumili ng makakain kahit hindi pa nagbe-bell . Nakaupo kami sa pinakadulo , pero sa totoo lang sa amin talaga yung upuan na yun , binili kaya namin yun aber ! Kaso nakakapanghinayang lang dahil di na namin siya kasamang kumain dito . Nakikita ko rin sa barkada ang kalungkutan nila habang kumakain .
Kamusta na kaya siya ? pag-oopen ng topic ni Maryrose
Oo nga e , miss ko na rin siya sabe naman ni Justine
Kailan ko kaya ulit yun makikita sabe naman ni Kyle
Kailan kaya ? Miss ko na rin kasi yung kakulitan nun e , at para ko na rin siyang baby sister sabe ni Zyp
Ehem* dagdag ni Alexies , naramdaman ko na sa akin pala sila nakatingin , tinignan ko na lang sila na Bakit-kayo-nakatingin-sa-akin-Look ?
Ahh , Babe tara na sa classroom sabe ni BCB saken -___- , siguro naoo-p siya sa topic ng barkada ko kaya nag-ayang umalis , tinanguan na lang ako ng barkada
K sagot ko ,
Hayss , natapos na rin ang klase namin , nakakatamad nga e , wala naman kaming ginawa kundi magpakilala sa harap ng klase , ano toh elementary ? -_- tss . Makauwi na nga ng bahay , di ko na ihahatid yung BCB na yun , malaki na siya noh ! Mas gugustuhin ko pa ngang maging bakla kesa maging fake girlfriend niya e . Tsaka ko na ikwekwento kung paano nangyare yun . Pagod na ako , I need to rest .
~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~
Sino kaya yung sinasabeng ''New Transferee" ? Babalik na kaya siya ? ABANGAN :)Thankyou for Reading My New Story ! ^_^
Sorry Short Update lang siya .Comment and Vote Please ♥ ^_^
BINABASA MO ANG
Ikaw Lang Talaga ♥
FanfictionSobrang tanga ko kasi e ! Bakit pa kasi kita hinayaang mawala sa akin . Sana mapatawad mo ako . Mahal na Mahal Kita at Ikaw Lang Talaga - Ivan Ford Padilla