chapter 1

40 0 0
                                    

Nag magmadali sya mag ayos ng mga gamit para sa flight nya, dahil ayaw nya masayang lahat ng sakripisyo nya para sa isang tao naging dahilan kung bakit anu sya ngayon, nakarinig sya pag bukas ng pinto kayat alam nya kung sino yun, isang lalaki bumungad sa pinto ng kwarto nya at di nya ito binigyan ng tingin kayat pinag patuloy nalang nya ang pag aayos ng mga damit sa maleta nya,

"Saan ka pupunta darling? Ani nito

Di nya sinagot dahil simula sapol alam nito ang dahilan kung bakit sya aalis.

Ramdam nya ang pag buntong hininga nito at nag salita ulit.

"Jessa, di mo kailangan gawin ito, dahil hindi basta ang gagawin mo at sa mga oras na ito wala ka pang lead kung talagang nasa america yung taong hinahanap mo? Matigas na sambit nito.

Tahimik lang sya,

Nag lakad ito sa gilid nya at hinawakan ang braso nya at pinaharap sya sa mukha nito. Kita nya ang pag aalala ng mukha nito at parang takot sa anu mang dahilan.

"Jessa hindi ba't nangako ako na tutulungan kita sa ganung bagay at . . .
Di nya pinatapos ito.

"Kahit kailan di ako huminge ng tulong mula sayo james,!! Ani nya sa lalaki

"Oo alam ko, pero diba sinabi mo na bahala ako kung anu man ang gawin ko para sayo at kung kailan nag kakaroon na tayo ng magandang pinag samahan saka ka naman aalis? Panu ang relasyon natin jessa? Ani nito

"Hindi ko inutos sayo na gawin mo lahat, at kahit kailan wala tayo magiging relasyon, noon ko pa yan sinasabi sayo na wala ako panahon dyan sa pag mamahal mo!!! Ikaw lang pilit sumisiksik sa buhay ko!!! Masyado kana yata nag isip ng hindi maganda dahil lang sa isang gabi na nakasama mo ako? Ani nya

"So para saan yun isang gabi jessa? Tanung nito

"Isa lang natural na gabi yun sa mga eded natin, hindi ba't nasa training yun? Ani nya

"So lahat yun jessa ay pag kukunwari mo lang na mahal mo ako? At lahat na pinakita mo itong nakaraan ay palabas lang para malibang ka at kapag nakahanap kana ng pag kakataon iiwan muna ako kagaya ng ginagawa mo ngayon? Oo wala kang sinabi na lapitan kita or kung anu man, pero ginawa ko yun dahil mahal kita at alam ko sa sarili ko na mahal mo rin ako?

"Haha tinaguriang ka pa naman magaling sa buong department at nang galing sa kilalang pamilya, pero ganyan kana agad maniwala? James james james, kahit kailan di kita minahal at kahit kailan never kita mamahalin dahil wala sa pagkatao ko yun na mag mahal!!!

"Hindi yan totoo, hindi yan totoo!!!! Sigaw nito

"Yun ang totoo james, ginamit lang kita para makuha ko ang mga information sa target ko, ginamit ko lahat ng access na meron ka dahil sa target ko? Dahil dyan sa pag mamahal mu na yan dyan ka napahamak? Ani nya

"So totoo lahat ng sinasabi nila sayo? Simula ng pumasok ka? At lahat na pinakita mo sa akin ay lahat yun ay para lang sa hinahangad mo? maitanung kita ulit? Kahit kailan wala kang naramdaman sa akin? At kahit kailan di mo ako minahal? Mahinahon ang sambit nito at damang dama nya ang pag hihirap nito. Gusto nya bawiin lahat pero natatakot sya.

"Oo james, lahat ng pinakita ko ay para sa ninais ko, at oO di kita minahal mula umpisa at kahit katiting wala ako naramdaman sayo! Napakagat labi sya ng maramdaman nya ang lungkot ni james at pag bagsak ng mga balikat nito hudyat nung na pag suko kayat nilisan na nya agad si james sa kinatatayuan nila at tinungo pinto para makaalis.

1 year later

Nagising si jessa sa loob ng kotse dahil sa isang kirot ng sugat nya sa tyan at sa ibang parti ng katawan nya,
Napaiyak sya ng maalala ang huling pag uusap nila ni james,

Napailing sya, ito na yata yung karma ko na mas pinili ko ang pangarap ko kaysa sa taong mahal ko at never ko pa sinabi ang mga katagang na yun, namimiss ko ang mga yakap nya na nag bibigay sa akin na safe ako sa mga bisig nya, napayuko nalang sya sa manibela at huminga ng malalim at saka tiningnan ang mga lalaking nakatayo sa harapan ng kotse nya at handa na itutok sakanya ang mga hawak na baril nito, kayat bago pa man sya naka-react, nawalan na sya ng malay at sabay sabay ang putok ng baril, di na nya ramdam ang mga bala dahil na rin sa pagod at pag mamanhid ng buong katawan nya, mahal na mahal kita james, mga huling salita na nabanggit nya saka dumilim na lahat ng kanyang paligid.

HANGGANG SAAN ANG PAG IBIG MOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon