chapter 3: James organes

265 0 0
                                    

Nakakailang ikot na rin sila sa circle ng camp ng agency. Ngunit wala pa rin silang naririnig na tapos na ang training, nasa unahan nila ang trainor na si Mrs. Conda.

"Hindi lang palakas ng estamina ang jogging na ito, kundi patibayan ng pag iisip at loob, dahil mas mahirap tumakbo na di mo alam kung May finish line sa dulo kaya't mag fucos ka lang sa pag jogging" Bangit ng isang lalaking nasa gilid nya, nagulat sya dahil napakagwapo nito, dahil sanay sya napapaikutan ng mga gwapo sa Italy pero never sya humanga di tulad nasa katabi nya, mas lalo sya nainis dahil kumindat pa ito sakanya at ngumiti ng nakakaloko.
Kayat napalingon sya sa mga kasamahan nya, laking gulat nya ng 40 plus nalang sila dahil bago sila mag jogging kaning 5:00am o'clock mahigit 100 sila, yung iba nakahiga na sa daanan, napalunok nalang sya May point din ang lalaking ito. Dahil parang hindi pa ito pagod dahil mahigit 5hours na sila tumatakbo.
Bilib din sya sa trainor nila dahil di mo makikitaan ng pagod.

Nag bigay ng hand sign si Mrs. Conda na tumigil.

"Dito na mag tatapos ang pangalawang pag susulit. Tinatawag na loop jogging. Dito makikita kung hanggang saan ang lakas ng estamina at pag iisip ng issng cadet, dahil May mga sitwasyon na akala natin wala ng pag asa pero meron pala kung pag sisikapin mo mag patuloy, tulad ng loop jogging walang finish line na patuloy sa pag jogging, isama mo pa ang pagod ng katawan at pag iisip kung kailan matatapos. So sa mga nakapasa sa pangalawang pag susulit, pwede na kayo pumunta B BUILDING dahil simula ngayon dun na kayo mananatili habang nasa training kayo. Yun muna. Dismissed.

Ramdam ko ang pagod at pang hihina, napansin ko yung lalaking sumama kay Mrs. Conda at tumatawa silang dalawa. Parang May mali. Biglang lapit ng isang babae sakanya. Ang pag kakaalam nya ito si cadet: MARIEL R. FLORES

"Uyyy cadet: Jessa, kinilig ako sainyo" bungis-ngis sabi nito saakin kaya't napasimangot ako, pati ba naman sa dito sa camp May nalalaman pa itong kilig moment. Sa mga mahihinang babae lang yung kilig moment na yun sa isip nya lang. Kaya't nag patuloy lang sya sa pag lalakad.

"Siguro cadet: Jessa di mo kilala yun noh? Kaya ganyan ang reaksyon mo? Sya lang naman si CADET: JAMES ORGANES isa sa mga cadet na lalaki dito na nangunguna sa lahat ng training program. At May isa pa ako nalaman, graduate sya ng black Ops sa Italy at umuwi na sya dito para mag training,  diba nakaka bilib ang ganung tao, yun yata ang dream boy ko" ani nito. Kaya't nag rolling eyes nalang ako sa dream boy na sinabi nito. Pero nagulat ako na graduate sya sa black Ops, sa pag kakaalam ko isang military departamento ng bansang Italy, at bawat member ng black Ops ay talagang mahuhusay at napapabilang sa top 10 na pinakamagaling mag rescue ng mga hostage, kidnapping etc. Dito ko gusto makapasok kaso ni isang pag susulit di ko nasubukan dahil binagsak na ako ng di ko alam. Kaya lalo sya naisip dun sa James na yun.

Nang makarating sya sa room nya,
Napa wow sya, dahil sa dating room nila mag kasama silang lahat ng cadet, ngayon May mga sariling room sila, May computer din sa loob at mga libro about sa law, leadship, survivor and motivation. Pansin ko ang damit na mismong agency ang May gawa. Nakaayos na rin, at kumpleto sa bawat task na ipapagawa ang susuotin.

Naligo na ako dahil sa pag kaka alam ko bukas na ulit ang regular training dahon nalampasan na namin ang pag susulit.

Oo nga pala naalala ko sabi ng Mrs. Conda bawat card namin ay May access sa dark web, mga web site kung saan nandun lahat ang pwedeng gawin. At dun ka rin makakakuha ng information sa mga most wanted na kriminal,

Kaya agad ko kinuha ang cadet card ko at nilagay kuna, nag karoon searching name. Nilagay ko dun ang mga nakuha kung information sa Italy, kaso no access ang lumabas, kaya't di kuna tinuloy.

Biglang May kumatok sa pinto ko, agad naman to pinag buksan. Dalawang lalaki ang nakita ko at nakasuot ito ng uniform ng agency, siguro mga official member ng agency na ito.

"Ikaw ba si cadet: Jessa mendez?"

"Yes sir" tugo ko

"Pinatapatawag ka sa office ng chief commander, kaya't sumama ka saamin" matigas na sabi ng ng isang lalaki, sumama na ako dito kaya habang sumusunod ako Sakanila nakaka ramdam ako ng kaba.

Tumigil kami sa isang pinto at pinsg buksan ako ng isa. Pumasok na ako sa loob, nagulat ako dahil nandun sila Mrs. Conda, sir. Tiger at yung isang cadet: na si James.

"Maupo ka iha, sabi nung matanda sa harapan ko. Kaya't sumunod ako.

"Aware ka ba sa ginawa mo iha"? Pag sisimulan nito saakin

"Alin po sir" pag tatanung ko, pansin ko si James na pailing iling at nakangisi pa ito.

"According sa pag access mo sa isang website ng card system ng mga cadet card? At alam mo ba kung sino yung taong hinahanap mo? At kung bakit wala kang nakita?

"Hindi po sir. May personal reason ako kung bakit nag search ako ng ganun at di ko pwede sabihin sainyo kahit tanggalin nyo ako dito sa camp" matigas na sambit ko. Narinig ko pa ang bulong nung James, "nag yabang pa".

"Ano sabi mo lalaki? Galit na sambit ko.

"Sabi ko, nag yabang ka pa, kahit wala ka naman ipag yayabang" tugon nito saakin kaya lalong nag painit ng ulo ko

"Hoy lalaking bakulaw, FYI lang ha, di ko kailangan mag yabang sayo kung mas mayabang ka kaysa saakin!!

"Kilala mo ba ako? Ako lang naman ang isa sa mga anak ng agency dito kaya anytime pwede kita tanggalin" galit na sambit nito

"Kaya pala" Sagot ko dito na May ibig sabihin.

"Anung kaya pala babae? Galit na sambit nito

"Sabi ko, kaya pala!!! kaya pala ka nangunguna sa lahat ng training dito kasi para kang batang umaasa sa mga magulang mo kaya't ikaw ang walang ipag yabang dahil isa lang anak ng agency siguro nakapasok ka sa black Ops dahil sa impluwensya ng pamilya mo, akala ko pa naman magaling ka talaga, yun pala magulang mo magaling hindi ikaw!!!

"Aba't, . . . .

"Tumigil kayong dalawa". Napalingon ako sa matanda at sa mga tao sa loob, pinipigilan tumawa ng malakas, maya't maya pa ay tumawa ng malakas sila Mrs. Conda at sir tiger at yung dalawa pang lalaki, at ung bakulaw namumula sa kahihiyan.

"Anyway cadet: Jessa, i understand kung ayaw mo sabihin pero May punishment ka dahil sa ginawa mo, at yung tao na yun at most wanted sa mundo, isa din yun sa mga mafia boss, pero hanggang dun lang ang alam namin dahil wala kaming mission Sakanila, pero sa ginawa mo muntik na malaman ng mga mafia ang systems natin mabuti nalang naka-monitor ang mga team-hacker ng agency kaya't napigilan. Dahil kung hindi lahat ng mahahalagang dokumento ng agency at mga mission ay baka nakuha ng mafia kung tutuusin matatanggal ka talaga, pero dahil sa pinakita mong paninindigan, natuwa ako dahil kahit tanggalin ka namin, alam ko di ka titigil para lang makahanap ng lead dun sa tao na yun, pero sa ngayon ang cadet card ay May mga limitasyon, pero once na officialy member ka May access ka sa lahat at proteksyon ang pagkatao mo at card mo. Hehe at about naman sa sinabi mo kay James, di kuna kailangan linawin kung totoo man or hindi. Natatawang sabi nito

"Lolo naman, hindi yan totoo na umaasa ako sa pamilya natin kung ano meron ako ngayon, at ikaw babaeng pangit, FYI lang din," di nya natapos dahil nag tawanan ulit ang mga tao sa loob at kasama na ako dun.

Kaya lalo nabwesit si James saakin, pinaalis na rin ako nung matanda kaso May punishment. Bago mag sara ang pinto, rinig ko pa ang tawanan nila.

ITUTULOY

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HANGGANG SAAN ANG PAG IBIG MOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon