February...
Kabado akong naghihintay sa harapan ng ACS SHS (Senior High School) building. Second day kasi ng Edu-week ng SHS pero sa amin sa kabila, sa Junior High School—panghuling day na ngayon. May ganito talaga kaming event sa school na tinatawag na Edu-week. Maraming nagtitinda sa loob ng school ng iba't ibang bagay--- cool stuff kung baga', tapos iba't iba ring pagkain na minsan wala talaga sa listahan ng pagkain sa cafeteria. Nagpapa-pasok din sila ng mga street vendors pero syempre yung pinagkakatiwalaan na nila. Maraming palaro dito pero educational tapos syempre ang favorite ng lahat--- Photo booth! May mike din kung gusto mong magperform or may gustong magpadedicate which is pinaka-nakakakilig sa lahat. Limang piso, dalawang dedication. Bibigyan ka nila ng papel na may nakasulat na 'To: From:' tapos yung gusto mong ipasabi' Anonymous yung pangalan ng iba sa 'To:' lalo na kapag may gustong umamin.
Edi sana ol
Walang ginagawa kapag Edu-week -----maliban nalang kung mag kulang ka pa sa requirements na pwede pang ihabol. Pwedeng magdala ng gadgets minsan depende kung mabait yung teacher niyo o kaya USB nalang para movie and chill. Minsan kanya-kanyang dala ng kumot, unan saka jacket. Oh, diba? Feel at home hahaha--- plano pa atang magcamping eh. Ang saya nga kasi tumapat pa yung first-day ng Edu-week sa araw ng birthday ko e kaya ginawa ko nalang birthday week hehe.
At ngayon ang huling araw ng birthday week ko.
"Hoy! ang tagal niyo!" sigaw ko sa mga kaibigan ko nang makarating sila sakay ng tricycle. Lumubog na ang haring araw pero maliwanag parin naman. Tumakbo sila papalapit sakin at hinampas ako sa balikat nang makalapit. Tinawanan ko lang sila.
Pumila sa kami sa entrance pero bago kami papasukin—tinutukan muna kami baril. Charing lang! hindi ko alam tawag dun eh basta iche-check yung temperature mo. May bagong virus daw kasi na kumakalat. Ay ewan! Ang dami namang problema. Parang nung November lang, yung kumi-kidnap ng bata at teenagers yung issue. Ah basta! Magsasaya kami ngayong gabi!!! WWHHHHOOOOOO!!!!
Sinulit namin ang gabi kasi minsan lang to' kahit nasa kabilang building lang kami ng school sulit at masasabi kong pinaka-masayang gala to kasi wala kaming kasamang magulang though nandito ate ko saka ni Pat—nasa kaniya-kaniyang booth naman nila sila kaya wala rin.
Naglibot-libot kami sa iba't ibang booth. May photo booth, jail booth, may pagames na booth, yung ibang booth pagkain naman tapos sa harap ng mismong building may malaking stage tapos may bandang nagpeperform! Nagkasya naman lahat ng booth per section and grade level kasi malawak yung harapan ng building which is yung parking lot.
9 pm na nang tumigil kami sa paglilibot, nagpicture-picture narin kami. Nakisalo nalang kami sa mga nanoood ng banda. Grabe! Hindi mawala ang ngiti sa aking mg labi. Feeling ko nga nastroke na eh.
Ang saya talaga ng gabi na'to! Sana hindi na matapos pa....
.
.
.
.
.
.
.
.
March...
".........will be placed on lockdown for at least 30 days........the spread of the...........coronavirus in the Philippines.........."
But it continued.....
Hindi ko naman alam na sa pagdating ng pandemya ay siya rin palang simula ng pagkawasak ko...