Una at huling kabanata

16 1 0
                                    

Sitwasyon nating di malaman-laman,
nagkakagulong puso at isipan,
Dalawang mundo'y malayo ang pagitan,
ngunit ikaw lamang ang tanging binabalikbalikan kong tahanan..

Sasabayan kang tumalon,
sa mga naglalakasang alon.
Hindi ka bibitawan hangga't hindi tayo makakaahon.
Dahil mas pipiliin kong ikaw ang kasama sa mga madilim na iskinita,
Kesa kasama ang iba na may liwanag nang dala.

Handa akong sagipin ka tuwing pakiramdam mo'y nalulunod ka na ng mga nakakasugat na mata at salita.
Na tila ba'y punong puno ka na sa mga taong pumapalibot sa'yo na puro husga at sakit lang ang ipinapakita.

Bukas ang aking pintuan upang ika'y pagpahingahin sa nakakapagod na mundo.
Kahit wala na itong kapalit sa mga nararamdaman kong paru-paro para sa'yo.

Bilangin mo ang bituin sa langit,
Asahang hanggang sa ito'y maubos, patuloy pa rin akong kakapit.
Sa pagmamhal ko sa'yo, walang segundong sasayangin.
Mula noon, hanggang ngayon ikaw lang ang mamahalin.

Ngunit baka ito na talaga ang ating kapalaran,
Kailangan magpaalam at lumisan.
Tatahakin ang daang walang kasiguradohan.
Palaging tandaan na ang ala-ala mo'y mananatiling buhay sa aking puso't isipan.

Kung mapagbibigyan ako ng isang pagkakataong makapiling kang muli sa kabilang buhay,
Walang segundo ang aking sasayangin mapasaya ka lang ng tunay.
Sana'y sa mga oras na iyon, ako'y maisasayaw mo sa gitna ng kalawakan.
Sabay nating tanawin at lakarin ang malayo na kawalan.

Para sa aking tinatangi, hanggang sa muli..
Magiingat ka ng maigi..

Hanggang sa muli Where stories live. Discover now