Prologue

266 4 0
                                    

Juanito's POV

Ilang taon din ang lumipas matapos ang pagkawala sakin ni Carmela. Maraming maraming bagay ang nangyare at alam ko narin ang itinatago nyang lihim.

Narito ako ngayon sa lugar kung saan nagsimula ang lahat,patuloy na hinihintay ang kanyang pagbabalik kahit pa ilang dekada na ang lumipas. Kahit pa tumanda na ako't nabulag..

Kinuha ko ang aking talaarawan at sinubukan paring sumulat dito sa kabila ng kawalan ng paningin. Itinatala ko rito ang aking damdamin at pagkasabik na muli syang makasama.

Kahit di ko na sya makikita,gusto ko lang maramdaman ang presensya nya....

Patuloy ang pagsusulat at pagalala ko ng nakaraan ng maramdaman ko ang malakas na ihip ng hanging sumasalubong sa akin

May naramdaman akong presensya nang ibang tao rito at una kong inakala na sya ang kapatid ko. Papalapit ito ng papalapit sa aking kinaroroonan kaya nagdesisyon na akong kumpirmahin na sya nga ito

"Angelito?" Mahina kong tawag ngunit di nakatangap ng sagot "Angelito?" Mas malaakas kong tawag ngunit di parin nya sinagot

Mas naramdaman ko pa ang paglapit nito na syang nakapagpapataas ng balahibo ko sa di malamang dahilan

"Ginoong...Juanito...Alfornso..."

Halos mahugot ko ang aking hinanga nang marinig ang pamilyar na boses na iyon...

"Madame...Olivia???"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 11, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Love You Since 1892 (The Happy Ending)Where stories live. Discover now