pagbabalik

11 0 0
                                    

Kung meron mang isang panahon na naramdaman kong naging malaya ako.... ito siguro yun...


Hindi ako anghel, wala akong pakpak, pero naramdaman kong pwede na ulit akong lumipad.


Ulit.


Parang nung panahon na hindi ko iniisip makisabay sa takbo ng iba


Nung panahong hindi ko nakikita ang pangangailangan na maging kagaya nila


Nung bata pa ko.... nung panahong ang tanging hangarin ko lamang'y maging malaya


Hinubad ko ang aking tsaketa at hinayaan ang sarili kong maramdaman ang katamtamang lamig ng hangin na para bang sinasalubong ang aking pagbabalik


Nakangiti kong nilanghap ang simoy nito


Tama


Ito yun


Nakabalik na ko

peregrinasyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon