kahon

6 0 0
                                    

Sa likod ng kalayaan ay mga responsibilidad


Dinilat ko ang aking mga mata


Parehong mula sa panaginip at pangarap


Lumingon ako at nandun naghihintay ang mga nakakasawang gusali na araw araw kong pinaroroonan


Kahon


Punong-puno ng sulok


Araw araw na pakikipaglaban para sa sikmura


Nabubusog ang katawan ngunit hindi ang kaluluwa


Isang luha ang pumatak


Alay ko para sa mga nagpikit ng mata sa kanilang tunay na pangarap


Nakakasakal pero kailangan


Nakakapanghina pero kailangan


Masakit sa dibdib


Mahapdi sa lalamunan


Pero aabante dahil sa karalitaan

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

peregrinasyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon