14

44.8K 1.1K 127
                                    

AGNELLA TELESE


Lumabas agad ako sa kwarto nang matapos kong ayusin ang sarili ko. Hanggang ngayon ay bumibilis pa rin ang tibok ng puso ko dahil muntik na 'yumon.

Muntik na akong maangkin ni Ales, mabuti na lamang ay kumatok si Lola Sheila kaya hindi niya natuloy ang binabalak niya. Bakit ba ako hindi ako makatanggi sa tuwing hinahalikan niya ako? Dahil ba sa natutukso rin ako?

Bumuntong hininga ako at napailing. Hindi ko na rin hinintay pa si Ales at agad na akong nagtungo sa kusina. Naabutan kong naroon na sila.

"Maupo ka na para makakain na tayo," utos ni lola kaya naupo ako agad sa bakanteng silya.

Dumating na rin si Ales at tahimik na naupo sa tabi ko. Taimtim lang kaming nagdasal bago kami nagsimulang kumain.

Tahimik lang din akong nakikinig sa kwentuhan nila. Ang dami nilang pinag-usapan pero hindi ako sumali. Wala ako sa mood lalo na kapag marami akong iniisip na kung ano-ano.

Parang sasabog ang ulo ko sa kaiisip kung ano na ba dapat kong gawin. Pero palaging sumasagi sa utak ko ang mga sinabi ni Kylier. I should stop my plan dahil 'yon ang mas nakakabuti sa akin pero bakit parang may bahagi sa akin ang tumututol? Naguguluhan din ako sa sinabi ni Ales kanina. Ano ang buong katotohanan na tinutukoy niya?

"Kumusta pala kayo rito, Agnella? Nag-enjoy ba kayo ni Alessandro rito sa Santa Monica?"

Umangat ang ulo ko para tingnan si Mom na nagtanong sa akin. Nakangiti siya habang nakatingin silang lahat sa akin. Tumikhim muna ako bago ako sumagot.

"Okay lang naman po," tipid kong sagot.

"Pagkatapos po pala ng piyesta, babalik na po ako sa Maynila."

Natigilan sila sa sinabi ko.

"Uuwi ka na agad? Akala ko ba ay dalawang linggo pa kayong mananatili rito?" sabat ni lola.  May halong lungkot sa tono ng boses niya.

Pilit ko siyang nginitian. Katabi ko si lola kaya hinawakan ko ang kanyang kamay.

"Wala naman po kasi akong balak na magtagal dito sa Pilipinas. I need to go back to Washington dahil may naghihintay po sa akin na trabaho roon. May kakilala po ako at dinala niya ako sa pinagtatrabahuhan niya matapos kong grumaduate. Sakto namang may job hiring sila, so I immediately took a opportunity para makapasok po ako. Interview ko na rin po next month at hindi ko po pwedeng palampasin 'yon," mahaba kong paliwanag.

Sa tingin ko naintindihan naman nila ako. May katotohanan din naman ang mga sinabi ko. Pagkatapos kasi namin ni Angelica na grumaduate ay sinama niya ako sa isang kilalang kompanya sa Washington na alam niyang pwede naming pasukan.

Sakto na job hiring that time at opportunity ko na rin 'yon kaya hindi ko na sinayang ang pagkakataon. Napagtango naman sina lola sa sinabi ko maski ang dalawa kong pinsan, mukhang naiintindihan nila ako.

"I understand, hija. Sayang naman kung palalampasin mo pa iyon. Ipapahatid na lang kita sa driver namin papuntang airport para hindi hassle ang biyahe mo. Maghahanda na rin ako ng pwede mong dalhin para may pasalubong ka pagbalik mo sa Washington," nakangiting sabi ni lola kaya nagpasalamat ako.

"Pero teka, napag-usapan n'yo na ba ito ni Ales? Na babalik ka na sa Washington? Balita ko na dito sa bansa naka-base ang kompanya ng boyfriend mo," salita ni Lolo Estefano kaya natigilan ako.

Mahinang tumikhim si Ales. "Huwag po kayong mag-alala, susunod naman po ako kay Agnella sa Washington."

"Pero pinsan, huwag kang makalimot magpadala ng balikbayan box!" biro ni Rina kaya natawa kaming dalawa.

IDLE DESIRE 2: HIS SEDUCTRESS [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon