INTRODUCTION

9 0 0
                                    

Lahat tayo, may iniiwasan na sa tingin natin ay para sa ikabubuti ng lahat. Pero madalas, ang iniiwasan natin ay ang sadyang lumalapit sa atin na hindi natin napapansin. Napakalaking papansin naman ng mga ganon, mapabagay man o tao. Sa bawat pag-iwas mo at palaging paglapit niya, nasanay ka na lang din kalaunan.

Sanay, sinanay, nasanay. Kapag may nagbago, maninibago. Kapag nama'y naglaho, hahanap-hanapin. Nasanay ka na rin kasi. Sinanay ka na rin sa palaging ganap kaya ganoon kapag may nagbago o naglaho.

Umiiwas ako sa mga bagay na nakakasakit sa akin at sa kapwa. Umiiwas ako sa mga bagay na alam kong wala akong mapapala. Hangga't maaari ay gusto nating malagay sa payapa. Kaya sana, hindi ako ginagambala ng kung sinumang nilalang na 'yan. Pag-iwas lang talaga ang solusyon ko dahil ayaw kong maging maingay ang nananahimik kong mundo.

AvoidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon