03

3 0 0
                                    

"Nica, do you like it this way?" tanong ni Mika sabay release ng curler.

"Pwedeng i-ponytail?" Sabay kamot ko sa batok ko. Nakaka-irita na kasi yung kulot eh.

"Sure, but I'll have to keep the bangs dangling, hindi babagay sa damit mo kung ganun yung hair mo." And she started to pull my hair up.

"...okay..." sabi ko at hinayaang mag-ikot sa kwarto ang mga mata ko.

Ano to? Parang buntot ng biik. May isa pang malaking bagay na may pang-suklay sa isang banda at sa kabila naman... ewan ko ba kung anong tawag diyan.

Kinalikot ko ang mga gamit ni Mika na para sa buhok at make up nang biglang tumunog ang cellphone ko.

**1 notification from Facebook**

I-nunlock ko ang phone ko at nag-navigate papunta sa Facebook.

Message... from Mr.Raven?

**Kahit ayaw mong makilala ako, wala kang magagawa kasi MTB tayo.** -Mr.Raven

Ha?

**MTB mo mukha mo. Maghanap ka ng ibang mapag-titripan. Wala ako sa mood.**- Reply ko.

Sana wag na siyang mag-reply. Tumingin ako sa salamin and as always, I look flashy. At ayaw ko umattract ng atensyon.

"You're good to go Nica." Sabi ni Mika pag-release niya sa mga gamit na hinawakan niya.

"Okeeeey." At nag-simula na akong mag-trot pababa ng hagdan.

Sumakay na ako sa Estrada at naghintay kay manong hindi ko pa kilala.

Tumunog yung Phone ko at hinayaan ko nalang yun at hindi ko na binasa ang notification.

Dumating na si manong hindi ko pa kilala at dumeretso sa kami sa isang "high class" na hotel na puro mata-pobre ang naroon.

"Anong oras ka babalik?"tanong ko kay maning HKPK. (Hindi ko pa kilala)

"Mamaya pang alas otso ma'am." Sabi niya at pinaalis ko na siya.

Alas otso? Grabe, ang tagal naman ata noon. 5:30 pa...

Oh, wait 6 o'clock pala.

Pumasok na ako sa hotel at nag lakad papunta sa dining section.

"Name, ma'am?" Sabi nung clerk.

"Hernan." I sternly replied.

"This way ma'am." At nag lakad siya ahead of me.

"Right here ma'am." Ugh. Ma'am ka nang ma'am, parang humihingi ng dede sa nanay.

"Drinks ma'am?" Tanong niya nanaman.

"No ,thank you. May hinihintay pa ako." I said and settled down on my seat.

"Ah, yes." Sabi niya at umalis na.

Wow ha? Ang babae pa talaga ang pinag-hintay ng gago.

Nag-open ako ng phone at may notification nanaman ako.

**See you later.** what?

Sino nga 'to ulit? Ah, oo, Mr.Raven.

**Stop talking gibberish.** reply ko.

Pagka-reply ko nun, gumalaw yung upuan sa harap ko.

"Hey." Sabi nung umupo sa harapan ko.

"Ms... Monica?" He raised an eyebrow.

Teka nga, familiar to'ng taong to eh. Yung panga, yung ilong... lalo na yung mata.

"Wait... who?" I tilted my head.

"I thought by now na... tiningnan mo na yung timeline ko..." he smiled ever so slightly, taunting me.

"At bakit ko naman gagawin yun?"

"...hmm..."

"'Hmm' what?"

"Ah oo... See you later."

What?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DemonicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon