Chapter 1: Cinderella's Shoe

96 5 0
                                    

*Don't forget to play the video located at the right part of the page before reading ;)

Cyrus' Point Of View

"I think we should end this now."

Hindi ko alam kung bakit nasasabi ito ni Alexandria. Hindi ko maintindihan ang gusto niyang sabihin.

"Cyrus aalis na ako ng bansa."

"Ano? Gaano katagal?" napakadaming tanong ang gusto kong sabihin sa kanya, pero sa ngayon ay wala akong maisip na gawin.

"I don't know. I don't know kung babalik pa ako. We will stay there for good. Alam mo namang hindi ako pwedeng magpaiwan dito. And I don't think we can still work out our relationship."

Hindi ako makapaniwalang sinasabi ni Alex ang lahat ng ito. Hindi ko alam kung paano ko papaniwalaan ang mga binitiwan niyang mga salita.

"No Alex, we can still work this out. Maghihintay ako. Sigurado naman akong babalik ka. Babalik ka naman diba?"

"Hahayaan pa ba natin ang relasyong 'to sa mga bagay na walang kasiguraduhan? Cyrus hindi ko alam kung hanggang kalian ako dun. At hindi ko alam kung babalik pa ako."

"Alex maghihintay ako. Maghihintay ako kahit gaano pa katagal."

"Cyrus mas masasaktan lang tayo."

"I love you so much Alex. Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko."

Seryoso ako, hindi ko talaga kakayanin na mawala si Alex sa buhay ko. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang naging ganito ang sitwasyon namin ni Alex. Napakabilis ng mga pangyayari.

"Hindi lahat ng mahal natin, kailangan nating ipaglaban. Kasi may mga pagkakataong kailangan din nating sumuko, para hindi na tayo masaktan pa."

"Pero Alex hindi ganun kadali 'yon. Hindi ko kayang mawala ka sa akin. At mas mahirap para sa'kin tanggaping mawawala ka na sa tabi ko."

"Alam ko Cy. Alam kong hindi 'yun madali. Hindi lang ikaw ang nasasaktan Cy, hindi din ito madali para sa akin... pero kailangan nating gawin. Cyrus kailangan mo 'tong tanggapin, kasi yun ang dapat."

"Alex please..." alam kong kailangan kong ipaglaban ang relasyon namin Alex. Alam ko sa sarili ko na hindi ako pwedeng sumuko. Alam kong may paraan pa para ma-work out namin ang relasyon namin. "Wag naman nating paabutin sa ganito Alex, hindi ko kayang gawin yang pinapagawa mo. Alex I love you so much that I can't let you go. I don't know if I'm being too selfish pero tang ina naman, gusto mong kalimutan ko ang lahat sa atin. Gusto mong kalimutan kita. Alex ikamamatay ko 'yun."

"I'm sorry Cy... sorry."

Sabi nila in love, you should be like a soldier... who knows when to fight, and when to surrender. Pero paano ako susuko kung alam kong mas hindi ko kakayaning tanggapin na mawawala yung taong ipinaglalaban ko?

Tumalikod sa akin si Alex. Sa pagtalikod niyang 'yun ay ang pagtalikod na din niya sa pagmamahalan namin. At hindi ko yun kayang tanggapin.

Kaya bago pa siya maglakad papalayo ay hinawakan ko ang kanyang balikat.

Niyakap ko siya.

Niyakap ko ng mahigpit. Gusto kong iparamdam ang pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko alam ang gagawin ko pero alam kong hindi ko siya dapat pakawalan.

Hindi ko naramdamang tumutulo na pala ang mga luha sa aking mata.

Bakit ba ganito ang nararamdaman ko ngayon? Ang sakit sa damdamin. Sa sobrang sakit hindi ko na alam ang gagawin.

Hinawakan niya ang aking mga kamay na nakayakap sa kanya. Hindi ako nagsalita.

Mas hinigpitan ko pa ang pagkakakapit ko sa kanya.

Sweet LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon