Nakahiga ako ngayon sa kama ko habang patuloy na naglalandas ang aking mga luha sa pisngi.
Buong araw siyang hindi nagparamdam sakin,sinubukan ko siyang itext at tawagan pero nakapatay ang phone niya.Sinubukan ko ding pumunta sa bahay ng tito niya pero ang sabi ay hindi niya daw din alam.
Alam kong may karapatan siyang magalit saakin dahil sa nakita niya.Gusto kong magpaliwanag pero hindi ko alam kung paano ko gagawin iyon dahil hindi ko alam kung anong kinaroroonan niya.
Maya-maya ay may biglang nag text sakin kaya agad agad ko itong kinuha dahil nagbabasakali akong si Art yon,nagbabakasakali akong papakinggan na niya ang paliwanag ko.
Hindi nga ako nabigo dahil siya nga ang nagtext pero nabigo ako sa simpleng text niyang iyon.
From:Art ♡
I'm tired, please,give me some time to think and fix myself.I love you, Faith,even you broke me,again.
Nasasaktan ako hindi para sa sarili ko kung hindi para sa kanya,nasaktan ko yung taong bukuo at ginawa ang lahat para mapasaya lang ako ng walang hinihinging kapalit.
Sh*t! He doesn't deserve to feel this pain.
My tears is dripping endlessly from my eyes,just to think that he still can manage to tell me those three words even I hurt him.I tried to call him but,nakapatay na naman phone niya,mukhang binuksan niya lang iyon para mamessage ako.
Halos magdamag akong umiyak kaya hindi ko na napansin na nakatulog na pala ako.Gumising ako na mugto ang aking mga mata dahil sa kakaiyak at puyat.
Napag desisyonan kong pumunta muna sa dagat para makapag isip at mapakalma ang sarili ko.
Malayo palang ako ay bumungad na sakin ang malakasa na hangin,maaga pa kasi kaya mahamog pa. Pagkadating ko sa mismong tabi ng dagat ay napatulala ako sa kawalan habang inaalala yung nasasayang alaala namin ni Art dito.
Alam kong may alaala din kami ni Fhiro dito pero ang lahat ng iyon ay natabunan na ng nga alaala ni Art.
I love him so much,ngayon ko lang narealize na sobra na pala akong mahulog sa kanya,dahil pakiramdam ko ay diko na kakayanin oag nawala siya,pinagsisihan ko yung panahong pinagtabiyan ko siya dahil kung ginugol ko sana yun ng kasama siya siguro ay mas naging masaya ako sa nakaraang taon.
Napalingon ako bandang kana ko na medyo malayo sa kinaroroonan ko,nakita ko siyang naka upo sa kahoy na mukhang pinadpad lang ng alon.
Mabilis akong naglakad papunta sa kinaroonan niya,ng makita niya ako ay agad siyang tumayo.
Tinignan ko ang mga mata niya at puro lamig lang ang nababasa ko dito,tinitignan niya ako na parang wala lang.
Ansakit pala sa pakiramdam na tinitignan ka ng taong gusti mo na parang wala siyang pakialam sa nararamdaman mo,ngayon alam kona kung gaano kasakit ang ginawa ko sa kanya noon.
"Art,"tawag ko sa kanya saka yumakap sa aking sariki dahil sa malamig na ihip ng hangin.
Napabuntong hininga siya saka tinanggal ang jacket niya saka ito nilagay sa balikat ko,napangiti ako dahil sa saya,saya na malamang may pakialam parin pala siya sakin kahit pa nasaktan ko siya.
"Napakalamig ng hangin,dapat kung magpuounta ka dito ng ganitong kaaga ay magdala ka ng jacket mo para dika lamigin,tsk!"tila naiinis niyang sabi kaya napangiti na lang ako na agad niyabg inilingan ng makita niya ang ngisi ko.
Tatalikod na sana siya ng bigla kong hawakan ang braso niya para pigilan siya sa pag alis,tinignan niya ito saka ako tinignan sa nga mata.
"Mag usap tayo please,"pagmamakaawa ko sa kanya.
"Tomorrow,bago ako umalis kinabukasan pauwi,meet me."nagugukuhan ko siyang tinignan ng sinabi niya iyon.
"Aalis ka?Bakit?Saan tayo magkikita?"naiiyak kong tanong sa kanya kaya agad niyang iniwaa ang kanyang mga mata bago ako tinalikuran.
"Kung saan tayo nagsimula,"huling sabi niya habang nakatalikod saakin.
Gusto ko siya habulin at tanungin kung saan ang eksaktong lugar na yon pero hindi ko nagawa dahil nanghihina ang aking mga tuhod.
Wala akong lakas para habulin siya,napaiyak na lang ako habang pinagmamasdan ang likod niya hangang mawala siya sa paningin ko.Hindi siya lumingon kahit saglit,nakaya niya akong tiisin.
