"Jenn, anak, kumain ka na muna bago ka mag basa ng libro diyan"
"ahh. opo ma, tatapusin ko lang po itong huling chapter ng libro"
"ah, o siya, mauuna na ako"
sinara ni jenn ang kanyang libro, huminga siya ng malalim at dumiretso sa hapag kainan..
"ano nanaman bang pinagkakaabalahan mong basahin anak?" banggit ni aling susan
"ah, eh, yun po yung napulot kong libro sa may gym kahapon, maganda po kasi ung title eh kaya binasa ko na"
makalipas ang ilang araw..
"Jenn? anong nangyayari sayo? bakit ka nanaman ba nakatulala?"
Tumitig si jenn sa kanyang ina, walang reaksyon. Tuwid ang direksyon ng kanyang mga mata sa mga mata ng kanyang ina, ngunit tabingi ang pagtungo ng kanyang leeg na siyang dahilan sa pagtulo ng kanyang laway...
ilang segundo ng katahimikan ang bumalot sa mag-ina..
pag katapos ng ilang saglit ay biglang tumawa si Jenn, malakas at kakaiba ang kanyang boses na tila ibang katauhan ang namamahay sa katawan ng dalaga..
"HAHAHAHAHAHAHAHA!!"
"anak? anak ko, ano ba ang nangyayari saiyo? "
"HANGAL! HINDI AKO ANG IYONG ANAK!, HAHAHAHA"
napayuko ang kanyang nanay sa lakas ng kanyang boses, gulong gulo ang kanyang isipan sa mga pangyayaring kanyang nasaksihan....
tinignan niya ang kanyang anak at bigla siyang humagulgol...
ilang araw ng ganito ang sitwasyon ni Jenn, hindi malaman ng kanyang mga magulang ang dapat gawin, nag punta na sila sa iba't ibang doktor upang ipatingin ang kalagayan ni jenn, ngunit walang makapagsabi sa sakit nito..
napakalaki ng tiwala nina aling Susan at mang Andoy sa poong may kapal, kaya naman patuloy parin ang kanilang pag deboto at pagdarasal ng rosaryo..
"Diyos ko po, naway pagalingin niyo na ang aking anak, wala na po akong hihilingin pang iba kung di ang kaniyang kaligtasan" taimtim na dasal ni aling susan
habang nagdarasal si aling Susan, naramdaman niyang may humawak sa kanyang balikat, malamig ang mga kamay nito.. tumalikod si aling Susan at nakita ang kanyang anak...