COViD-19, hindi ikaw ang sisira sa mga pangarap namin
Hindi ikaw ang magpapa bagsak sa mga taong nangangarap
Hindi ikaw ang mananalo sa labang ito
Dahil hindi kami papayag na kami ay mataloSa Diyos, kami ay kumakapit
Dahil alam naming sya ay hindi mananakit
Sya ay may plano saming hinaharap
Kaya kami ay hindi susuko sa isang iglapSya ang sandigan sa anumang problema
Sya ang taong hindi ka iiwan basta-basta
Basta't manalig at wag mawalan ng pagasa
Dahil alam niya ang kanyang ginagawaSundin lahat ng sinasabi ng gobyerno
Dahil para yun sa ikabubuti ninyo
Wag puro satsat ang gawin
Dapat maghugas ng kamay ay iyong sundinFace mask at face shield ay wag kalimutan
Para pamilya mo ay iyong ma protektahan
Wag puro labas ng bahay ang atupagin
Kung di naman importante ang gagawinIsang paalala lang kaibigan,
Social distancing ay palaging obserbahan,
Alcohol sa bag ay dapat dalhin kahit saan,
QR Code ay wag na wag mong kalimtan.God bless and keep you always ❤