OneShot

29 1 0
                                    

Nasa coffee shop ako ngayon, waiting for my date to come.

Naisip ko kung ano ang magiging future namin. Magkakaroon kaya kami ng tatlong anak? Makakapagpundar ng bahay? Makakabili ng sariling sasakyan? Makapagpakasal sa isang simbahan? Makapghoneymoon sa Italy?

Then, she popped up. Wearing a velvety red dress with halter strap, 5 inch heels, carrying a wallet bag. Nakapusod nag kanyang buhok.

Umupo siya.

"Hi!" Pabati ko.

"Hi rin! So anong order mo? I'll treat you! Kawawa ka naman kasi!" Sabi niya. Alam kong sa salita nyang yon ay sinaktan niya ako. Pero hindi ko iyon ipinakita. Tinawag niya ang waiter tapos ay umorder siya. Umalis na ang waiter.

"Kita mo yong waiter nayon?" Tinuro niya ang waiter na kakagaling lang samin.

"Oo bakit?" Sabi ko nang may paghihinayang.

"Buti pa siya no? May trabaho? Eh ikaw, ultimo construction worker hindi ka makapasok." Sabi niya. Intensyon nyang saktan ako. Gusto nang lumabas ng mga luha ko mula saking mga mata ngunit pinigilan ko ito. Dumating na ang waiter dala dala ang mga pagkain. Nagsimula siyang kumain. Pero ako, hindi na lang muna.

"Oh ano? Hindi mo ba 'yan kakainin? Ang mahal ng bayad ko dyan! Palibhasa hindi mo yan makakayanan dahil wala ka ngang trabaho." Pang-asar nya sakin.

Hindi na ako nakapagpigil. Sumigaw ako.

"Ano ba ang gusto mo? Ano ba ang guato mong gawin ko para mapa-impress kita ha?" Pasigaw kong sabi.

"Kung makakain mo yang pagkain sa harap mo, sasagutin kita!" Sabi niya na tumaas pa ang kilay.

Nagtitigan kami. Tumulo ang luha sa kaliwang mata ko.

"See, you can't do that. Waiter, here's my bill." Binayaran niya yung bill tsaka umalis.

Naturok ang puso ko ng tila isang kutsiyo. Hindi niya man lang maisip na hindi ko yon kayang gawin dahil..

Parehong putol ang kamay ko.

I Can't!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon