Prologue

149 5 1
                                    

PROLOGUE

Happy Birthday Bunso!

From: Ate Jeanne

Dali-daling kinuha ng bata ang regaling tumambad sa kanya paggising. At siya naman itong si excited at pinunit ang pambalot ng isang nakakahong regalo. Lumapad ang ngiti nito ng makita ang bagong CD ng paborito niyang action movie.

Nagsisitalon sa tuwa ang bata yakap-yakap ang regalo ng ate. Kinuha nito ang isang kanyang flute sa tabi ng mesa.

"Bang! Bang!" tumalon ang inosenteng bata sa kama nito at nagpagulong-gulong sabay akyat ng malaking bintana ng kuwarto nito na parang may mga sundalong nakapalibot dito.

"Bang Baaaa-" Gamit pa rin ang flute nito ay nagkunwari itong pinapaulanan ng bala ang mga nasa labas hanggang sa may dumaan na isang dalagita kayat napatigil ito.

Kasing edad lang halos nito ang dalagang napakaganda. Napahinto ang batang lalaki sa paglalaro ng biglang sumiklab ang green hormones nito. Nakakita siya ng isang maputi at may balinkinitang katawan na dalaga.

Kaya bago pa man mahulog ang loob nito sa kanya, ay katawan muna niya ang nahulog- ng literal.

"Aaaa-aah ! Wah!" sumubsob ito sa damuhan mula sa bintana. Mabuti na lamang at mababaw lamang ito. Biglang naalala ng binatilyo ang binibining napadaan kaya't napasulyap ito sa harap.

Nakatingin rin pala ito sa kanya. Walang emosyong makikita sa mga mata niya.

Napatayo ito bigla at nagpagpag. Kumaway ito sa batang babae. "H-hello" sinubukan nito pumorma gamit ang matamis nitong ngiti ngunit bigla na lamang nagtago ang dalagita sa likod ng nakaparadang sasakyan.

"Anong nangyari dun?" sa isip-isip niya. "Baka masyadong kinilig. Tss."

Lalapit sana siya sa dalagitang may mahaba at kulot na buhok ng bigla itong lumitaw nakaporma ang mga kamay nito na parang baril "Bang Bang!" saka inilabas ang dila nito. Sabay takbo.

Napangiti ito. "di mo ko matatamaan, akala mo ba?!"

Naghabulan ito sa park at nagpalitan ng kunwaring bala. Nagtago ang binatilyo sa likod ng puno at aniya "Hoy! Sumuko ka na kasi!"

Pagkalingon nito ay wala na ang kalaro nito. Wala na siya.

Lumingon ito sa paligid ngunit walang kahit anong bakas ng kaninang kalaro nito. "Huy! Suko kan a sa akin noh?" naglakad-lakad ito. "Pero pagod na Kong makipaglaro eh. Taguan pa kaya?!" wala pa ring dalagitang lumalabas kaya't patuloy ito sa paghahanap ng umabot ito sa may highway.

Naptigil ito nang may sumanggi sa kanyang isang eroplanong papel. Inisip nitong galling ito sa kanya kaya binuklat niya ito.

"Let's continue the game on 17. 17???" napaisip ito. "ano to? Cellphone number niya? Parang di naman." napangiwi ito.

*BAAAAAANG*

Napalingon siya ng di oras. Kung kanina ay pawang laro-lamang. Ngayon ay iba na. alam niyang totoong baril na iyon. Nanlaki ang mga mata nito nang matagpuan ang kalaro na nakatalikod na unti-unting bumabagsak.

Hahabulin niya sana ito ng isa pang nakabibinging ingay ang narinig niya mula sa likuran nito.

*BEEEEEEEP*

-------------------------------------------------

A/N; Hi! Idol ko po si serialsleeper :) labyu. kaiba po ito sa montello high ng supeeer. okay? wag bumuo ng conclusions :D gigi

-KATS

Death GamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon