Chapter 30

2.9K 94 1
                                        

Chapter 30

Jea's POV

I slowly open my eyes. Tumambad sakin ang mukha ni Zean na punong-puno ng pag-aalala. Bahagya akong ngumiti. Parang kanina lang hindi siya maipinta ang mukha niya sa sobrang galit tapos ngayon para na siyang maamong asa.

“Anong nangyari?”

“You fainted earlier… Are you still in pain anywhere?”

“Okay na ako.” sabi ko, medyo nanginginig ang boses.

“Do you want me to take you to the hospital? Just to be safe… maybe get an X-ray, in case you hurt yourself.”

I looked away, my cheeks warming slightly, hindi ko alam kung paano tutugon sa halatang pag-aalala niya.

“I’m sorry.” nakayukong sabi niya habang hinahalikan ang kamay ko.

Ngumiti ako at hinaplos ang mukha niya. “Okay lang ako..”

“You sure?” His eyes were soft as he spoke. “I couldn’t forgive myself if something worse happened to you.”

“Nothing bad will happen to me. I know you’ll protect me, right?”

Tumango siya habang hinahalikan ang kamay ko.

“I love you..”

Nang masiguro niyang okay na ako, binuhat niya ako palabas ng clinic. Napasubsob ako sa dibdib niya, pinipigilan ko ang sarili na hindi tumingin sa mga nakatingin sa amin. Sinabi ko na kaya ko nang maglakad, pero tumanggi siya. Maingat niyang pinasok ako sa kotse at ikinabit ang seatbelt sa katawan ko, parang ayaw niyang may kahit ano pang mangyari sa akin.

“Binalik na ni Tito ang kotse mo?” tanong ko, binasag ang katahimikan samin dalawa.

Hindi siya agad sumagot. Napahawak siya sa noo niya, tumingin sa akin, at naramdaman kong may bigat sa bawat titig niya.

“Go home. Ihahatid ka ni Matthew,” sabi niya sa malamig, ngunit malinaw ang paninindigan.

Pumasok si Matthew sa kabilang side ng kotse.

Teka… bakit siya ang maghahatid sa akin? Saan siya pupunta? Hindi ba siya sasabay?

“Take care of her.”

“I will, kuya,” sagot ni Matthew.

“Saan ka pupunta?” napapikit ako, ang puso ko parang tumitigil.

Ngumiti siya at mahinang pinitik ang noo ko. “Susunod ako. Hindi ka pweding sumakay sa motor.”

At sinara niya ang pinto ng kotse. Naiwan akong nakatingin sa saradong pinto.

Binuhay ni Matthew ang makina ng kotse at pinaandar ito.

“Wala na bang masakit sa katawan mo?” tanong niya makalipas ang ilang sandali.

“Hindi na masyado,” tipid kong sagot habang nasa daan ang tingin ko.

Nagulat ako nang biglang hinawakan ni Matthew ang kamay ko. Napalingon ako sa kanya.

“Kapag hindi mo na kaya ang mga nangyayari, magsabi ka lang. Itatakas kita,” natatawa niyang sabi, pero ramdam pa rin ang seryosong tono sa boses niya.

Tumawa ako at pinisil ang kamay niya. “Sige… sasabihin ko sa’yo kapag kailangan mo na akong itakas.”

“Laging mong tatandaan… nandito lang ako ha.”

“Alam ko,” sagot ko, habang bahagyang napapangiti.

“MATTHEW!”

Malakas kong sigaw, muntik na kaming mapasubsob sa unahan ng kotse. Mabilis niyang inapakan ang brake para huminto. Muntik na kaming bumangga. At siyempre, nakaharang si Zean sa kalsada. Napapikit ako sa sobrang inis. Ano na naman ba ang iniisip ng lalaking ‘to?

“Jea, okay ka lang?”

“Oo, okay lang. Pero ano bang ginagawa niya sa gitna ng daan?” napatingin ako kay Matthew sa sobrang inis. “Bakit ba siya ang naging kapatid mo? May saltik talaga ang ulo ng taong ‘yan!”

Narinig ko lang ang mahinang pagtawa niya.

“Anong nakakatawa doon? Muntik na tayo madisgrasya!” galit kong sabi.

“He’s jealous… he saw me holding your hand,” he said, still laughing. “Look at that gloomy face of his.”

At tama nga—ang kilay ni Zean ay nakasalubong sa amin, halos umusok ang ilong sa sobrang galit. Halos atakihin ako sa puso nang kinatok niya ang bintana ng kotse. Binaba ni Matthew ang bintana.

“Gusto mo ba kaming mamatay?!” naiirita kong bulyaw sa kanya.

“Get out!”

“Why should I? Diba sabi mo hindi ako pwed—” hindi ko natuloy ang iba ko pang sasabihin nang tinakpan niya ang bibig ko.

“Tumahimik ka, ang ingay mo!” Tinignan niya si Matthew nang masama. “Bumaba ka, ikaw ang magmotor!”

Tumawa nang malakas si Matthew. Lumapit siya ng kaunti at bumulong,
“Ang possessive ng boyfriend mo, Jea…”

Pagkatapos ay binuksan niya ang kotse at naglakad papunta sa motor.

Zean got in and buckled his seatbelt. He looked at me and smiled, like he’d just won at whatever game he was playing. I raised an eyebrow and glared at him.

“I think I’m gonna force the old grumpy man to give me back my keys. I’m not letting this happen again!” he said, eyes on the road.

Inikot ko ang mga mata ko sa inis. “Kapatid mo, pagseselosan mo?”

“Who wouldn’t be jealous? He was the first guy you liked, and you even had a picture of him in your room,” he said, making a funny face.

I laughed at his antics.

“Para kang tanga… matagal ko nang tinanggal ‘yon!”

“Who are you calling an idiot?”

“Ikaw!”

“Want me to break your bones?” he teased.

“Ewan ko sa’yo, napaka-possessive mo!” I crossed my arms and looked out the window.

“Yeah, right. Because I want all your attention, for me only. I should be the only one you touch, the only one you smile at. This is how obsessed I am with you.”

“Possessive ka!” I said, in disbelief.

“Then I’ll show you how possessive I can fucking be, Jea.”

Pagdating namin sa bahay nagdadabog akong pumasok sa kwarto ko. Kailangan kong maligo para mawala ang inis ko kay Zean. Pakatapos kong maligo bumaba na ako para kumain. Nandoon na silang tatlo sa mesa at ako nalang ata ang hinihintay. Umupo ako sa tabi ni Zean na nagmamaktol na parang bata sa Daddy niya.

“Give me my car keys, Dad! I really need it!”

“I’ll only give you one car key… and I hope you’ve learned your lesson, alright?”

“Yeah… I won’t do it again, as long as no one harms her.”

At the word her, he glanced at me and gave a teasing, knowing smile. My face immediately felt warm.

“May girlfriend ka na ba Zean?” Tanong ni Mama habang kumakain.

Ngumisi si Zean sakin at kinindatan ako. “Yeah… I have one. She’s cute, just like, Jea.”

Wala na sasabog na ang puso ko sa kaba. Baka kung ano pa masabi niya kay Mama. Napapikit ako at tumingin sa kinakain ko bigla akong nahiya kay Tito Greg sa ginagawa niya.

Perfect in Bad BOOK 1 (PHYSCO Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon