CHAPTER 1'LOST'

16 1 0
                                    

ALLANA'S POV

"My dear,let's go na,we're going on a camping"malantik sa saad ng step mom ko.
" Yaahh mommy,my stuffs are already prepared na po, hihi"pabebeng saad ni Trexei
"Ohh very good sweetie" papuri nya sa anak nya,bumaling sya ng tingin sa akin at tinaasan ako ng kilay
"What are you waiting for?! Magimpake ka kase kasama ka,wag lang b*ba!". Ako ang utos-utusan nila dito,inampon nila ako para hindi sila gumastos ng malaki sa pagbabayad ng kasambahay nila.Sakto lang ang laki ng bahay kaya di narin mahirap linisin

FF.
Nandito kami ngayon sa isang forrest sa *******,pumwesto kami sa isang sapa malayu-layo sa entrance.Kasama namin sina manang Maneng at driver ni mama na si mang Lito.Nagiihaw ng BBQ si manang at nag-aayos naman ng tent si mang Lito,nagtatampisaw naman sa sapa ang mag-ina.Minsan naiinggit nalang din ako kay Trexei kasi nandyan yung mama nya para mag-alaga sa kanya,samantalang ako di ko manlang naranasang mayakap yung tunay kong nanay.

3:00 na ng hapon,gusto ko sana mag-fb kaso wala namang signal.7:00 pa ang uwi namin,bored na bored na ako.
"HOY SEÑORITA!!PWEDE KA NA MAGLAKAD-LAKAD,NAKAKAHIYA NAMAN SAYO!!" sigaw ni Trexei na ngayon ay nagtatampisaw parin sa sapa,tumayo agad ako at naglakad-lakad na.
Dala ko ang pinaglumaang camera in Trexei,halos lahat ata ng gadgets na meron ako,galing sa pinaglumaan nya.Kinuhanan ko ng litrato bawat magagandang tanawin na makikita ko.Umakyat ako saglit sa isang puno at nagliwaliw,kumanta gamit ang mala-anghel kong boses
.
.
.
.
...............

"SUMAMA KA SAKEN!!" sambit ng isang maskuladong lalaki na may mahahabang pangil
"AYOKO!!TREXEI!!MAMA!!TULONNGG" sigaw ko at nagpumiglas sa pagkakahawak ng halimaw ngunit sobrang lakas nya
"HAHAHAHAHA,BAHALA KA!!!DYAN KA NA HABANG BUHAY!!"tuluyang tumulo ng sunod sunod ang kanina lang ay nagbabadya kong mga luha sa mga mata ko,tuluyang naglaho sina Trexei at mama.Tuloy parin ako sa pagpupumiglas ngnit nabigla ako nang kalmutin ako ng halimaw at.........

" TULOONGG"sigaw ko at biglang pagbangon kaya nalaglag ako,ansakit ng mga braso ko.Haiisshh panaginip lang pala akala ko kung ano na.
Tumigin ako sa orasan,5:00 palang naman kaya bumalik nako ng tent.Lakad-lang ako ng lakad hanggang sa makarating na ako sa paroroonan ko,ngunit sa pagdating ko'y wala nang tao sa sapa at tanging bag ko na lamang ang naroon.
Tinawag ko sina mama ngunit walang sumasagot.Hindi ko alam kung saan ang daan palabas,nanatatakot nako,Hindi ako sanay mag-isa.Marahil ay iniligaw nila ako kaya nila ako pinasama,ang sasama talaga.
.
.
.
.
Kanina pako naliligaw,namumugto na ang Mata ko sa kakaiyak,ni hindi ko magawang kumalma.Ubos na ang tubig na dala ko,nakalayo narin ako sa sapa,hindi ko alam kung Sana ako dadalhin ng mga paa ko ang gusto ko lang ay makauwi kasi napakadelikado sa lugar nato.

*RUSTLE*(KALUSKOS)

"*sobs*S-sino yan?please kung ano mang nilalang ka wag mako kakainin,parang awa mo na" wika ko habang umiiyak

3RD PERSON'S POV

Todo sa pag-iyak ang dalaga,nagmamakaawa para sa buhay nya.Isang nilalang na may halong dugo ng mabangis na hayop ang nakamasid sa kanya,nagtataka sa enerhiyang dala ng dalaga.Pilyo ang nilalang na ito,gumawa sya ng mga kaluskos upang lalong takutin ang dalaga.Patuloy sa pagtakbo ang dalaga kahit di nya alam kung saan sya mapupunta.Nang mag-sawa na ang pilyong lobo ay tumalon ito sa harapan ng dalaga,halata ang bahid ng takot at gulat sa muka ng magandang dilag.Umabante ang lobo at pa tuloy na umatras ang dalaga hanggang sa mapatid sya sa sanga isang puno.Isang kakaibang pangyayari ang naganap sa pagkakataong ito,ang kwintas na nakatago sa telang nagtataklob sa katawan ng dalaga ay nahulog,nilimot iyon ng dalaga,nasilaw ang lobo sa liwanag na nagmumula sa kwintas

ALLANA'S POV

Nakalayo na ako sa asong-lobo,nagtaka ako kung bakit bigla itong tumakbo ngunit ang mas mahalaga ay di nya ako kinain.Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa mapagod ako.Napagpasyahan kong magpahinga muna saglit,ngunit may agos ng tubig akong narinig.Sinundan ko ang tulog ng nagraragasang tubig at isang napakagandang taking ang bumungad sakin.

Nagmamadaling pumunta ako sa talon at kinuha ang tumbler ko at pinuno ng malinis at malinaw na tubig into.
Hinubad ko ang suot ko na jacket at lumusong sa tubig para maligo.Masaya akong nagtatampisaw nang mapansin ko ang isang kuwebang nakatago sa likod ng waterfalls.

Umahon ako at nagpalit ng damit.Nakasuot ako ngayon ng plain white t-shirt na pinatungan ng black jacket at naka-maong short,sinuot ko din ang white rubber shoes ko na gamit ko papunta dito.

May nakita akong daan papunta sa kuwebang iyon,tinahak ko ito dala ang backpack ko.Narating ko na ang likod ng rumaragasang tubig.Kinuha ko ang flashlight ko at binuksan ito.Habang pinagmamasdan ang bawat sulok ng kuweba may nakita akong papel na nakasipit sa ilalim ng bato.Kinuha ko ito at naglalaman I to ng isang sulat,weird sya basahin kasi para syang Latin,binasa ko ito at lumabas ang isang switch. Ibinaba ko ang switch at bumukas ang kuweba at nagpakawala ng nakakasilaw na liwanag...

END OF CHAPTER 1

WOLF BLOOD ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon