Chapter 3'First Day of School

3 0 0
                                    

ALLANA'S POV

Ilang oras din nawala si becca ngunit bumalik din sya.May dala rin syang tatlong set ng damit na sa tingin ko ay uniform nila dito, maganda sya,color-gray coat,black t-shirt na may tatak sa gitna na sa tingin ko ay logo ng W.B.A,at gray fitted pants.

Maya-maya may pumasok na babae,hindi ko sya kilala pero sa tingin ko'y ka-roommate ko sya.Nakangiti sya sakin at sinuklian ko rin to ng ngiti pero may kaba sa kaloob-looban ko.

"Wag kang matakot sakin,hindi kita kakainin,hahaha rarr"sabi nya at umaktong leon.
"ano nga palang pangalan mo?"dagdag nya pa.ngumiti ako bago sagutin ang tanong nya
"A-allana"sagot ko,tumango naman sya.
"Can I be friends with you?"excited na tanong nya tumango naman ako.Nagulat ako ng bigla syang magtatatalon sa tuwa.
"yess,may kaibigan narin akong tao!!yes,yes!!ahahah­a"aliw na sabi nya,nagulat ako sa sinabi nya,hindi kaya'y sinabi ni becca??

Madaldal at mabibo ang isang toh,nagkuwentuhan kami ng nagkuwentuhan,hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako,maging si Darleine.

KINABUKASAN.....

Naalimpungatan ako,tumingin ako sa wall-clock 4;30 palang ng madaling-araw kaso di nako makatulog,nagulat pako nang makita ko si Darleine na nasa tabi ko.Nagpalit sya ng posisyon kaso nahulog sya sa kama kaya natawa ako ng bahagya.Bumangon sya at sinamaan ako ng tingin kaya tumahimik ako,baka lapain ako nito ng wala sa oras.Naligo na ako at nagbihis ng uniform,nagpahid langis sa leeg at dibdib ko,nagpahid ng cream na ibinigay sakin ni Becca at tinakluban ng tela ang leeg ko.Kailangan kong umakto ng normal kahit medyo kinakabahan pa ako.

lumabas ako ng kwarto,nakita ko si Becca at Darleine,at ang mga kasama nila[na sina ARRAH,DARRYL,KIAN]
"so you're a human,pure blooded human?"excite na sabi ni Darryl habang sina Arrah at Kian naman ay naka pokerface lang.
"psshh,wag ka ako yung unang kaibigan nya dito,tabi pa nga kami natulog kagabi eh"proud na sabi ni Darleine,ngumiwi naman si Darryl at binalingan nya ako ng tingin.
"soo....."kumunot naman ang noo ko
"Ano ba yan,basta tao b*b*"sinamaan naman sya ng tingin ni Becca
"Ahehe,dati ka palang tao"kamot batok nyang sabi at nag-peace sign.
"kumain ka na at sasabihin ko sayo ang mga info's tungkol sa W.B.A"umupo ako kaso puro hilaw na karne ang nasa hapag,kinuha ko yung isang balot ng tinapay at cheese sa bag ko.Tumikim pa si Darleine kaso niluwa rin nya at nandidiri daw siya.

"There are three rules na ipinapatupad dito.Una,hindi ka pwedeng pumatay kung wala pang battle na magaganap.Pangalawa,­bawal kang magdala ng karne ng tao sa loob ng school pero magiingat ka parin,walang batas-batas dito kung masarap ang pagkain*smirks*.And lastly,hindi mo pwedeng bastusin ang mas nakatataas sayo so be carefUL and watch your words.Nakapaloob sa school na ito ang iba't-ibang breed ng wolves,RED DEATH GANG ang tawag sa amin,kami na mga kasama mo ngayon,our breed is called Red Wolf from North Carolina and our abilities are speed,sense,strenght­ and vision.GANG OF DARK WOLVES,their breed is called tundra wolf,dark-brown eyes,mapanganib sila,their abilities are to manipulate,speed,hig­h iq and strenght.And lastly ang mga GREY'S,yan naman ang tawag sa mga common wolves and their ability is to heal using their blood,sila ang pinaka mahina dito pero sila ang pinaka tuso,their breed is called timber wolf.Sa ngayon yan palang ang mga impormasyon na makukuha mo,let yourself learn using your experiences sa loob ng Wolf Blood Academy".saad nya at tumango nalang ako.Bago lumabas ng bahay ay nagdasal muna ako,nagtaka pa ang lima sa ginawa ko pero di ko na ito pinansin.

Alam ko na ang schedule ng klase namin,sa ngayon ay nagpapanggap pa ako na isa sa mga Red Wolves dahil sa contact lense ko na kulay pula.Sa nakikita ko ay nakaayon sa kulay ng mga mata nila ang lahi na kinabibilangan nila.Nang makarating kami sa entrance ay pinainom pa kami ng dugo,nainom ko naman iyon ng maayos pero nandidiri talaga ako,anlansa ng amoy.Nang makapasok kami sa field ay may ginawa pa sila na parang ritwal kung saan umaalulong ang lahat ng student,para'silang kumakanta ng national theme song.Kaklase ko sina Darleine at Kian pero sina Becca,Darryl at Arrah ay nasa 1st section sa 1st floor.Pinayuhan na ako ni Becca sa mga ikikilos ko at ginagawa ko naman iyon.Pagpasok na pagpasok palang namin sa pinto ay umagaw na agad kami ng atensyon,napuno ng bulong-bulungan ang buong classroom,para silang mga nagwawalang bubuyog.Akala ko pa ay by breed ang section ngunit hindi,halok-halok ito,may pula ang mata,gray,brown at....b-blue?
"wag kang titig sa mga mata nya lana,kung hindi ay mamamatay ka,wag kang kabahan your safe with us"saad ni Darleine atsaka ngumiti
"so far"dagdag ni Kian kaya hinampas sya ni darleine,may namuong takot sa loob ko pero kailangan kong magpakatatag para manatiling buhay.

.......

Lunch time namin ngayon,nasa cr ako para magpahid ulit ng langis na ibinigay sa sakin ni Becca.
"kahit anong tapang ng amoy ng phocurpas pa ang ilagay mo,nangngibabaw parin sakin ang amoy ng mabango mong dugo Allana"
bulong ng kung sino.
"s-sino y-yann"ako lang magisa ngayon sa cr,boses lalaki din yung bumulong kaya nakakapanindig balahibo.
"let's just say I'm your worst nightmare"bulong ulit nito,nagulat ako ng may biglang sumulpot sa salamin na repleksyon ng lalaki sa likuran ko ngunit pag talikod ko'y wala na ito.Dahil sa takot ay nagmadali na akong pumunta sa cafeteria,sa table nina Becca.

"I can feel a lot of fear and worries from this woman"sabi ng isang lalaki,pula ang mata kaya nakasisigurado akong isa syang red wolf.tiningnan ko si Darleine at mukang nagets naman nya ito.

"Ahh oo nga pala,he's Brent,Becca's boyfriend,sya ang leader ng R.D.G"nakangiting ani ni Darleine.
"Sad to know na hindi pala ako nakukwento ng mahal ko sa bago nyang kaibigan"sabi nya saka tumingin kay Becca,umiwas naman ito ng tingin kaya napatawa ako.
"Ehh sa sobrang selosa nyan baka nga itali ka pa sa kama wag ka lang akitin ng iba"saad ni Darryl,sinamaan naman sya ng tingin ni becca kaya nagpeace sign sya.
"Hahaha,ganan talaga pag gwapo,habulin ng chicks,normal lang na maraming mangharot sa kagaya ni brent"kumunot naman ang noo nila na tila hindi ako naiintindihan
"HUUHH??"sabay-sabay­ nilang sabi
"you mean chicks as in sisiw?a-atsaka anong harot?"naguguluhang sabi ni Brent.
"Hellooo.... 2021 na tapos di parin kayo updated sa mga slang?gasshh,chiicck­kss as in,girls!!maygashh cassy,and harot as in alembong,ganuunn"pag­papaliwanag ko,nakita ko pang sabay-sabay ngumiwi ang mga ito

Nagdaan ang ilang oras at minuto hanggang sa matapos na ang klase.Nakakamangha ang mga nagsisilbing subject nila rito,tatlong subject ang meron sila[PHYSIAL/­ABILITY TRAINING,HISTORY AND OBSTACLES]dahil daw ito sa paghahanda para sa nalalapit na laban ng CRYSTAL CASTLE at EVIL WOLF PALACE.Ang CRYSTAL CASTLE ay pinamumuhayan daw nmga top10 graduates sa W.B.A kada 3months at dalwa pang academy sa buong DERALIA FOREST which is ang WOLVES UNIVERSITY at GOLDEN UNIVERSITY,at ang EVIL WOLF PALACE naman ay tirahan ng mga tumaliga sa pamumuno ng kasalukuyang reyna ng Deralia na si Reyna Felistiya ang pinaka-makapangyarih­an sa lahi ng mga mexican wolf.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 19, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WOLF BLOOD ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon