Everything Seems Weird

1 0 0
                                    

Everything Seems Weird.

Kami ng kuya ko ang kadalasang magkasama sapagkat palaging wala ang aming mga magulang dahil abala lagi sila sa pagtatrabaho.

Isang araw nagdala ang kuya ko ng isang maliit na robot. "Kuya bakit ka po bumili ng robot? Ang tanda tanda niyo na, maglalaro ka pa?" tanong ko.

"Collection lang. Hindi ko naman lalaruin. I didisplay ko lang. Ang angas kasi ng datingan." sagot niya.

"Aah. Okay. Maganda nga naman." sabi ko.

"Sige na kumain na tayo." yaya ni kuya ng makapagsandok na siya.

"Kuya parang may kakaiba dito sa robot mo. Tingnan mo parang parang....... nag tatransform." sabi ko sapagkat nagliliwanag yung robot at medyo lumalaki ng lumalaki.

Agad na lumapit si kuya sa kinatatayuan ko at nagulat na lang kami sa sumunod na nangyari. Naging..... naging t-tao siya.

"What the hell." ani ni kuya.

"Ano ba yang inuwi mo kuya? Pero in fairness may hitsura." sabi ko nung makita kong tao na siya.

"Ano ka ba? Takpan mo nga yang mga mata mo. Kita mong hubad yung tao oh." sita niya sa akin.

"Ito na nga eh."

Kumuha ng damit si Kuya at dinamitan siya habang ako pumunta muna sa kwarto ko.

"Kumain na tayo halika na. Pwede ka ng bumaba."

Bumaba na ako at agad na tiningnan yung lalaking robot. "Hi! Anong pangalan mo?" tanong ko sa robot.

Nag-antay ako ng ilang segundo ngunit tila pipi itong kausap ko. "Huwag mo munang kausapin yan. Mukhang hindi siya nagsasalita eh." ani kuya.

Pumunta ako sa dining area para kumain.

Maliit lang naman itong bahay namin na may dalawang palapag. Tapos ng mag-aral si Kuya bilang Electrical Engineer samantalang ako kasalukuyang third year college sa kursong education major in Math.

Siya nga pala, ako si Jamaica Fermosa. Isang simpleng dalaga.

Natapos kaming kumain kaya naman agad akong pumunta sa sala kung saan nandun yung piping robot.

Tulala siya kaya naman sinundan ko yung tingin niya.

Nakapokus ang kanyang paningin sa aming kahoy na pinto. "Anong tinitingnan mo diyan?..... Hoy magsalita ka naman. Tatatlo lang tayo dito oh tapos ang tahimik mo pa." reklamo ko pero wala.... bigo pa rin akong pagsalitain siya.

"Huwag mo na kasing kausapin sayang lang yung laway mo." sita sa akin ni Kuya at tinitigan din siya.

"Kuya anong ipapangalan natin sa kanya?" tanong ko habang nakatitig pa din sa lalaki.

"Hindi ko din alam. Ikaw na lang ang mag-isip." aniya.

Nag-isip ako ng magandang pangalan at napili ko ang Jeremy.

Jerome kasi ang pangalan ni kuya at ang mama ko naman ay Jena samantalang Jason  naman ang pangalan ng papa ko. Lahat kami J nag start ang pangalan kaya naman Jeremy na lang.

"Jeremy. Siya si Jeremy." pagpapaalam ko kay kuya.

"Pssst. Ikaw piping robot. Jeremy na ang pangalan mo. Okay ba?" para naman akong nakikipag usap sa hangin.

"Alam mo bang artista ako?" sabi ko at umarte arte... pangarap ko kasi ito.

Naging abala ako sa eskwela at kapag wala na akong ginagawa ay lagi kong niloloko yung robot ni kuya.

Everything Seems WeirdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon