BEAUTY and THE BEAST by: ~MusiKa

33 0 0
                                    

Makapal ang hamogMadilim ang paligid. Walang ideya si Cyrile kung paano siya napunta sa lugar na ito. Wala siyang maalalang sa mga nagaganap. Tanging naririnig niya ay ang mga huni at mga kaluskos ng mga hayop na nag kukubli sa kadiliman ng paligid.

May kapangi-pangilabot na pakiramdam ang bumabalot sa atmospera. Nag-uumpisa na siyang matakot. Sa kabila ng lamig ay pinagpapawisan siya. Patuloy siya sa paglalakad kahit hindi niya nasisiguro ang kanyang patutunguhan. Tanging ang liwanag na nagmumula sa buwan ang siyang tumatanglaw sa daang kanyang tinatahak. Natagpuan niya ang sarili sa harap ng isang malaking mansiyon. Ngayon niya palang nakita ang lugar na ito. Pero may tila kung ano na uma akit sa kanya na sa pakiwari niya ay nababato balani siya na pasukin ang loob nito.

Papalapit na si Cyrile sa malaking pinto ng mansyon. Nakatayo lang siya doon. Hinihintay ang mga susunod na mangyayari. Napansin niya na sa disenyo ng kahoy ng pinto ay halatang napaka antigo na nito. Makikita ang mga inukit na ornamental sa buong mukha ng pinto. Hinaplos niya ito. Mukhang antigo ngunit napaka-kinis pa rin ng pinto. Unti-unting napapadpad ang mga kamay niya sa kulay pilak na seradura ng ng pinto. Hinawakan niya lang ang seradura at mistulang nag-iipon ng lakas ng loob upang ito'y buksan. Huminga siya ng malalalim at dahan dahang pinihit ang seradura. Sa wakas ay nabuksan niya ito. Pero pina natili niya itong nakapinid. Napag pasyahan niya na itong buksan. Dahan dahan niyang binuksan ang pinto. Tila hinahanda ang sarili sa kung ano mang nasa kabilang panig ng pinto. Tuluyan niya na itong binuksan. Pero bigo sya sa inaasahan na may kung anong nilalang ang dadamba sa kanya sa pagkaka bukas niya ng pinot. Nakaramdam siya ng bahagyang pagkapanatag ng loob.

Pero madilim ang loob ng mansyon. Tanging ang liwanag ng buwan na pumapasok mula sa nakabukas na pinto ang nagbbigay tanglaw sa loob nito.

Mula sa pagkakatayo, unti unting humakbang si Cyrili papasok. wala sa loob niya ang giagawa ngunit parang mayroong nagtutulak sa kanya na pumasok. Ilang talampakan palang ang layo niya mula sa pinto ng biglang "BLAGGG!!!!!!" Isamang malakas na kalabog ang bumasag sa katahimikan at gumulat kay Cyrile. Sumara ang malaking pinto sa kanyang likuran. 

Muli ay nag uumpisa nang makaramdam ng matinding kaba si Cyrile pero pilit niyang pinapanatag ang kalooban. Pero, talaang napakadilim sa loob. Unti unti aymay liwanag na dumungaw sa loob. Nagmumula ito sa mga kandila na naka lagay sa mga kandelarya. Lalong nadagdagan ang kaba sa loob ni Cyrilie. Naguumpisa na maging takot and nadarama niya kaba. Lalong lumiwanag ang paligid nang sumindi na rin ang ibang kandila mula sa iba't ibangkandelabra na nakakalat sa paligid ng mansyon. Tumingin si Cyrile sa taas. Pati ang eleganteng aranya ay nagliliwanag na rin. 

Bumaha ng liwanag sa paligid. Ang takot at kaba na kanina lang ay damang dama ni Cyrile ay napalitang ng pagka mangha. Pagkamangha dahil sa mga eleganteng muwebles. Kitang kita sa mga ito ang rangya ng kung sino mang nag mamay ari ng mansyon. Wala sa loob, lumibot si Cyrile paikot ng malaking sala. Hiagod niya ang kamay sa headrest ng isang sofa na nag sisilbing center piece ng naturang silid. Napaka kinis ng finish nito. Napakalinis at detalyado ng mga ukit sa armrest, paa at headrest ng malaking sofa. Nang makaikot si Cyrile ay napag pasyahan niyang maupo sa sofa na ito. Tuwang tuwa si Cyrile nang maramdamang napaka lambot ng sofa. Parang bata siyang nagpa talbog talbog sa sofa. Napasandal si Cyrile sa sofa at lalong natuwa na malamang malambot din maging and sandalan nito. Lumapit siya sa isang armrest ng nasabing sifa. Pinisil pisil niya ito. Wari'y sinusubukan kung malambot din ito gaya ng sandalan. Hindi naman siya nabigo dahil napakalanbot din ng armrest. Unti unti siyang humiga sa sofa. Ipinatong niya ang kanyang ulo sa armrest na kanina lamang ay pisil pisil niya.

Pero biglang bumukas ang pinto! Pumasok ang napaka lakas at lamig na hangin ng naging sahi upang mamatay ang mga kandila. Sa pagkagulat ay biglang napabalikwas ng upo si Cyrile. Wala siyang maaninag sa labas ng pinto dahil ang kaninang maliwanag na buwan ay natatakpan ngayon ng makapal at madilim na ulap. Wala namang nakita si Cyrile na pumasok mula sa nakabukas na pinto.

Unti unti nang nanunumbalik ang takot at kaba na naramdaman niya kani kanina lang. Nag uumpisa na siyang pagpawisan. Dinig na dinig niya ang napakalakas na tibok ng kanyang puso na animo'y kahit anong oras ay sasabog ito sa sobrang kaba at takot na nadarama. PInipilit niyang pakalmahin ang sarili ngunit talagang nangingi babaw ang takot na kanyang nadarama. Takot na unti unting tumutunaw ng kanyang pagkatao.

Napukaw ang kanyang atensiyon nang dahan dahang sumara ang nakabukas na pinto. Sa isang panig ng silid ay may isang kandilang muling sumindi. Pero hindi ito sapat upang matanglawan ang bahagi ng silid na malapit sa pinto. Lalong nadagdagan ang takot at kaba sa dibdib ni Cyrile. Nag sisimula nang tumulo ang pawis mula sa kanyang noo patungo sa kanyang napaka ganda at napaka among mukha. Para siyang kandila na unti unting nauupos sa gitna ng dilim dhil sa tindi ng takot na kanyang nararamdaman.

Mula sa kawalang ay nakarinig siya ng kaluskos. Hinanap niya ang pinag mumulan ng mga kaluskos. Muli niyang narinig ang mga kaluskos. Nag mumula ito sa bahagi ng silid na hindi natatang lawan ng liwanag ng nag iisang kandilang naka sindi. Ang mga kaluskos na ito ang lalong nag palawig sa takot na nadarama ni Cyrile. Kapangi pangilabot ang mga sumunod na ingay. Mga ungol. Mga ungol na animo'y galing sa mga mababangis na hayop. Ano man ang nilalang na nagkukubli sa dilim ay sigurado siyang hindi naroroon ang mga iyon para maki pag kaibigan sa kanya. 

Unti unti ay nag liwanag muli ang silid. Dahan dahan ay naaaninag na ni Cyrile ang Nilalang na kanina ay nag kukubli sa kadiliamn. Nahindik siya sa mga natunghayan nang tuluyan nang makita ang pinangga galingan ng mga kaluskos at kakila kilabot na ingay. Isang nilalang na ngayon niya palang naka engkwentro. Animo'y napakalaking aso ang anyo nito. Bakas ang bangis at galit sa mga mabibilog at mapupula nitong mga mata. Nagnga ngalit ang matatalim na pangil nito. Nakalabas ang mga matatalas at mahahabang nitong kuko. 

Lalong nanghilakbot sa takot si Cyrile nang mag umpisang gumalaw ang halimaw patungo sa kanyang kinalalagyan. Nais niyang tumayo at tumakbo pero para na siyang napako sa kanyang pagkaka upo. Tumutulo na ang luha mula sa kanyang mga mapupungay na mga mata. Nais niyang sumigaw ngunit tila walang tingi ang nais lumabas mula sa kanyang mga labi.

Nagulat nalang si Cyrile nang nasa mismong harapan na niya ang mabangis na nilalang. Nakatitig ito sa kanyang mga mata. Umurong ang nilalang ng kaunti. Medyo nahimasmasan si Cyrile dahil naisip niyang lalayuan na siya ng halimaw. Pero laking gulat nalang niya nang lalong bumangis ang anyo ng halimaw. Bumubuwelo lang pala ito upang sugurin siya. Sa isang iglap ay dinamba siya ng halimaw. Dito naisip ni Cyrile na mawawakas na ang kanyang buhay. Umalulong muna ng pag ka lakas lakas ang halimaw. Gamit ang angking lakas ay ibanaon na nito ang matatalim na pangil sa dibdib ng kawawang dalaga.

ITUTULOY...

BEAUTY and THE BEAST by: ~MusiKaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon