CHAPTER 2: "Wala bang kiss?"

14 0 0
                                    

Tulalang nakatitig si Cyrile sa binatang kaharap.

"Who is this guy?" pagtatanong ng isipan ng dalaga.

"Pasensya na. Nakalimutan kong magpakilala." basag ng binata sa katahimikang namamagitan sa kanilang dalawa.

"Ako nga pala si Alfredo Baltazar. Nagtatrabaho po ako sa kumpanyang pinapasukan mo bilang janitor." pagpapakilala ng binata sa sarili.

"Ah kaya pala. Ako naman si Cyrile Cabral." napanatag na pagpapakilala ng dalaga sa sarili.

Inilahad ng binata ang kanyang kanang kamay upang makipagkamay sa dalaga. Agad naman siyang kinamayan ng dalaga na naging sanhi ng labis niyang pagkatuwa.

Sadyang kabigha-bighani ang dalagang nasa kanyang harapan. Ang mga mapupungay na mata nito ay tila nangungusap. Tamang tama lang ang tangos ng ilong ng dalaga. Ang natural na pulang labi naman nito ay tila napakasarap halikan.

"Ah.. yung kamay ko." untag ng dalaga sa binatang tila natulala sa pagkaka titig sa kanya.

Agad namang binitawan ng binata ang kamay ng kaharap na dalaga.

"Sorry." hinging paumanhin ng binata sa kanyang inasal.

"It's okay." nakangiting sagot ng dalaga.

Sa hindi niya maunawaang dahilan, parang may nararamdamang kiliti si Cyrile sa kanyang dibdib. Tila may mainit na bagay na umiikot sa kanyang sistema. Napukaw ang atensyon niya sa mukha ng binata.

Napaka amo ng mukha nito. Napakagwapo ng kanyang kaharap. Dagdag pa rito ay ang pagiging matulungin nito. Kahit hindi siya kilala nito ay tinulungan parin siya ng binata. Matipuno ang pangangatawan ng binatang kanyang kaharap. Di hamak na matangkad sa kanya ito dahil hanggang dibdib lang siya ng binata. Palagay niya ay nasa 6'1" ang tangkad nito.

Biglang nagtama ang kanilang mga mata. Parehong may naramdamang kuryente ang dalawa mula sa mata ng isa't isa. Pareho nilang naramdaman na namumula ang kanilang mga pisngi kaya agad nilayo ni Alfredo ang tingin habang napayuko naman si Cyrile.

"Uhm, okay ka lang ba?" tanong ni Alfredo para mapagaan ang sitwasyon.

"Oo. maraming salamat ha." sagot at muling pasasalamat naman ng dalaga.

"Saan ka ba papunta at napadpad ka sa lugar na ito?" muling pang uusisa na binata.

"Wala naman. Namamasyal lang ako nang mapunta ako dito. Tapos, yun, may bigla nalang humablot ng wallet ko" tuloy tuloy na kwento ng dalaga.

"Mabuti pala eh napadaan ako dito. Kung gusto mo samahan na kita mamasyal. Kung okay lang sayo" alok ni Alfredo.

Parang nakiliti si Cyrile sa ideya na makakasama ang binata sa pamamasyal. Kakatwang kahit ngayon niya lang ito nakilala ay parang napakagaan ng loob niya dito. Pero naisip niya na dapat siyang magpakipot para naman hindi isipin ng binatang kaharap.

"Gusto ko sana, pero i have to get going" pagtanggi ni Cyrile sa alok ng binata.

Parang nanghinayang naman si Alfredo sa pagtanggi ng dalaga sa alok niya.

"Pero pwede mo ako ihatid sa sakayan." bawi naman ni Cyrile nang mapansin niyang biglang naging malungkot ang anyo ng binatang kaharap.

Agad naman nagliwanag ang mukha ni Alfredo nang marinig ang alok ng dalaga.

Agad siyang tumango tanda ng pag sang ayon sa alok ni Cyrile.

Tumalikod na si Cyrile at nag umpisa nang maglakad. Agad naman siyang sinundan ni Alfredo. Maka ilang beses ding nilingon ni Cyrile ang binatang kasunod. May mga ngiti sa labi siya sa tuwing babaling na siya paharap sa tinatahak na daan. Ganun din naman si Alfredo. Napapangiti siya tuwing nililingon siya ng dalaga.

BEAUTY and THE BEAST by: ~MusiKaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon