Secret Admirer

13 2 0
                                    

 "Matagal na kitang gusto," ang unang linya na laging laman ng mga sulat mo. Linggo-linggo, walang mintis kong natatanggap ang puting sobre na naglalaman ng mga mensahe mo. Palagi mong sinasabi na ang guwapo ko tignan habang naglalaro ako ng baseball. Ang mga buhok ko tuwing nililipad ng hangin ay ang paborito mong tanawin. Ang mga ngiti ko ang siyang bumubuo ng araw mo. Labis akong nasisiyahan na may taong humahanga sa akin ng ganito.

Isang hapon, nagtaka ako sapagkat wala ang sulat mo na siyang naging parte na ng araw ko. Hanggang pag-uwi ko, hindi ako mapanatag, nag-aalala na baka may nangyari na sayo. Hindi kita mismong kilala pero ang puso ko'y binalot ng takot at pangamba. Pagpasok ko ng aking silid, namataan ko ang isang pamilyar na sobre sa higaan ko. Labis akong nagulumihan kung naiwan ko ba iyon kanina o sadyang may naglagay dito. Dahan-dahan ko 'tong binuksan at ako'y nagtaka sa nilalaman ng sulat na ito. "Mas matagal kitang gusto pero bakit siya ang pinili mo?" Iniangat ko ang tingin ko at nakita ang repleksyon ko sa salamin ngunit hindi lamang ako ang naroon. Sa isang mababang boses, winika mo ang katagang, "Matagal na kitang gusto."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 15, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ONE SHOTSWhere stories live. Discover now