jacob's Pov
"Hindi pde!!! wag kng bibitaw-"
naputol ang panaginip ko dahil sa sigaw ni ate "jacob! bumaba kana kakaina!" nakakainis nmn , tumayo nlng ako at humarap sa salamin , tinignan ko ang sarili ko
"birthday ko ngayon" habang nakatitig ako sa salamin , nakita ko ang sticky notes na nakadikit sa salamin at naka sulat doon ay 'sa 17 birthday mo lalabas ang kapangyarihan mo' malalaman ko na ba ngayon ang kapangyarihan ko?? habang kwine-question ko ang sarili ko nag simula nako maglakad pababa , ngunit sa sobrang lutang ko ay diko na pansin na may damit na naka latag doon , pag hakbang ko doon ay nadulas ako
"ATE!!!!!" pumikit nalang ako at hinintay ang pag bagsak ko sa lapag pero ilang minuto na hindi parin ako bumabagsak , minulat ko ang aking mata para tignan ang nangyayari , nang pagmulat ko..... nakatigil ang lahat kahit si ate na pa takbo papunta sakin pero hindi sya gumagalaw . diko alam ung anong gagawin ko kaya sinubukan kong igalaw ang kamay ko . wala akong alam kung pano ko to cocontrolin kaya pumikit nlng ako at biglang....*Boogosh*
"jacob!" sigaw ni ate , hindi nmn sya ganon kasakit dahil mababa lng nmn pinagbagsakan ko kaya minulat ko ang aking mata at tumayo , tumatakbo nmn papunta si ate sakin , nang makarating siya nang laki ang mata nya at ung mukha nya parang daig a makakita ng multo,
"ate?" hindi parin siya nagsasalita
"jacob un mata mo!" masayang sabi ni ate , nagtataka ako kung anong meron sa mata ko kaya kumaripas takbo ako sa salamin para tignan , nang makita ko ang sarili ko
"kulay gray mata ko!!"-
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
yannie's Pov
"magandang umaga Yannie!" bati sakin ng kapitbahay namin , habang ako ay naglalakad , may narinig akong sumsigaw na para bng hinahabol , hinanap ko kung saan galing ang sigaw , galing sa likod ko kaya tinignan ko agad , nakita ko na may babaeng hinahabol ng guardia . napansin ko na palapit na samin . nakita ko na nag sisi pasukan ang mga tao sa takot . bigla nalang may humawak sa kamay ko
"ano bng ginagawa mo diyan?! nandyan na ang mga guardia ng Stalies!!" sabay takbo habang hawak ni papa ang aking kamay , habang palapit kami sa bahay nmin palakas ng palakas ang siwag ng mga tao .
nang makarating kami sa bahay ay isinara namin lahat ng bintana at pintuan . hinagis nmn ni papa sa akin ang aking armas kung sakali na pasukin kami dito . nang tumagal wala ng sigawan pero bigla nalang *boog*
bigla nalang may sumipa ng aming pintuan , at un ang mga guardia ng stalies , sinugod bigla si papa ng apat na guardia pero nagawa na pang lumaban gamit ang spada nya , hinigpitan ko ang hawak ko sa spear ko at sumugod para tulungan si papa , pinalo ko ung isa sa ulo kaya bumagsak ito at nawalan ng malay , tumingin nmn sa direksyon ko ang isang guardia kaya natakot ako , akmang sususgod pa sya pero hinarangan sya ni papa
"hindi ka makakalapit sa anak ko!!" sigaw ni papa bago nya patayin ang guardia . nagulat nlng ako na may nasa harapan ko ung isa sakanila , kaya na pa atras ako , akmang sasaksakin nya gamit ng spada nya pero naka iwas ako , tinusok ko ang aking spear sa kanyang tyan kaya napaatras sya . pero parang walang talab iyon. pero bago ko ulit siyang sugudin may tumusok sa ulo nya . ng bumagsak sya nakita ko si papa .
"umalis na tyo dito bago pa makita tayo ng ibang guardia!" sabay hablot sa aking kamay , habang tumatakbo kami pa layo sa aming bahay ang daming guardia sa mga ibat ibang bahay at nakita kami , kaya binilisan nmn ang takbo . pero napansin ko habang tumatakbo kami ang dami ng naka sunod na guardia samin . nang tumingin ako sa likod mga limang guardia ang sumsunod samin . habang tumatakbo ay na talisod si papa sa isang bato , akmang tutulungan ko sana syakaso
"mauna ka na" sambit nya
"ayoko pa! tutulungan kita"
"malapit na sila at diko na magalaw ang aking paa sa sakit , mag kita nlng tayo sa gubat na iyon" sabay turo nya sa gubat , lumalakas nmn ang takbo ng mga guardia papaunta samin , tumungin ako kay papa at tumango siya , kita ko sa mata nya ang sakit sa paa nya . wala akong magagawa dahil un ang utos ni papa , aya tumakbo nlng papaunta sa gubat na tinuro nya .
habang tumatakbo ako bigla nlang sumigaw si papa " hindi kaya makakalapit sa anak ko!!!" tumingin ako sa likod at nakikipag laban sya kahit masakit na ang kanyang paa . gusto ko sanang lumapit sa kanyang kaso may humahabol parin sakin kaya binilisan ko ang takbo ko . nang makarating ako sa gubat ay nag tago ako sa mga puno . habang nagtatago ay sumilip ako sa likod para tignan kung nasan ang mga guardia , nandon sila hinahanap ako . pero biglang may humawak sa aking kamay at hinila ako
"DALIAN MO!'