Prologue

7 0 0
                                    

Disclaimer:
This is work of fiction through the mind of the author, the names, places, events are not supposed to be in the real world. Any resemblance of the alive and dead persons are just coincidence.

Please! Don't plagiarized my work.

-----------

Isa itong kwento ng isang dalagitang nangangarap magkaroon nang isang napakakisig at poging lalaki. Nahanap niya ito ngunit ito ay kaniya lamang nababasa sa mga libro. Palagi niyang sinusubaybayan ang bawat kwento ng istorya hanggang sa dumating ang puntong ninais niyang maging isang bida.

Habang naglalakad si Crishana sa gilid ng kalsada papunta sa kaniyang papasukang trabaho ng may makabangga itong isang matandang babae sa daan.

"Lola,pasensya po.Ang tanga ko po kasi at hindi ko kayo nakita,"saad ng dalagita sa matanda na kasalukuyan niyang pinapatayo.

"Maayos lang naman ako, apo."

"Ah ehh, totoo po ba 'yun Lola.Maupo po muna kayo."Pinaupo ng dalagita ang matanda sa isang upuan na nandoon lamang malapit sa kalsada. Daanan kasi ito ng mga bus, terminal kung baga.

"Salamat apo, " sabi ng matanda habang paupo ito. "Mukhang nagmamadali ka ata apo? "

"Ah opo, Lola may interview po kasi ako ngayon,"galak na saad nito."Naku, Lola aalis na ho ako. Baka mahuli pa po ako eh."nagmamadali ito at tila isang flash na napakabilis makatakbo.

Hindi na nito tiningnan o hinintay na mag salita ang matanda, dahil malapit na itong mahuli. Kagat kagat nito ang ibabang labi habang papasok sa elevator at tumitingin sa relo paminsan minsan. Floor 7 ang pinindot nito, at magsasara na sana ang pinto ng elevator ng may biglang kamay na humarang dito.

Pumasok ang isang lalaki ngunit parang wala lang ito sa dalagita, kinakabahan kasi siya dahil baka nahuli na siya sa interview. Nang magbukas ang elevator ay nagpauna siyang lumabas.

Inayos niya ang kanyang sarili bago pumasok sa isang silid, na may mga nagsisilabasan na
rin naman ibang babae.

"Nakakainis naman."
"Oo, nga eh."
"Ano ba kasing hinahanap nila at hindi tayo pwede?."

Isa lang yan sa mga usapan ng mga babaeng papalabas. Kahit nagtataka ay pumasok pa din ito sa loob.

"Good morning, ma'am, "sabi nito ng makapasok sa silid.

"Anong maipaglilingkod ko sayo, miss?"nakangiti naman nitong saad.

Kaya lumapit si Crishana at ibinigay ang kanyang resume sa may kaidaran ng babae."Nandito po ako sa isang interview, ma'am. "

"But miss the interview was done."Kita sa mga mata ng dalagita ang panghihinayang.

Palagi nalang kasi siyang nahuhuli pag may interview. Minsan naman ay hindi siya natatanggap sa trabaho, niya.

"NAKAKAINIS NAMAN EHH. "Bulyaw niya sa kanyang sarili ng makapasok sa cr, isinara niya ang pinto para walang makapasok."Bakit ba kasi hindi ako matanggap-tanggap sa trabahong papasukan ko?"dagdag pa nito.

Hindi naman ito kapangitan, ngunit hindi ko rin masasabing kagandahan (pisyooww😂). Naghilamos ito at tiningnan ang kanyang sarili sa salamin. Bago lumabas ,may mga tao nang naghihintay sa may pinto ng cr at matalim ang tingin nito sa kaniya.

May mga salita pa siyang narinig ngunit hindi niya nalang ito pinansin at nagmamadaling lumabas sa building na yun.

Pauwi na ito ng makita niya uli ang matanda, lumapit siya dito."Lola, mano po."

Loving A Fictional Characters (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon