Hunter Playlist Song #1: Drive Alone Past Her Street
Note: You can read this book series in any order you want. These stories are all STANDALONE.
This story is a work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious, unless otherwise stated. Any resemblance to real persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
© Jerald Mizon (sleepyhunter) 2021. All Rights Reserved.
__
Sleepy's Note: Grabe, 2021 ko pa pala isinulat ito ahahah. Hanggang ngayon hindi ko pa nai-publish. Anyways, le'me just share this with y'all! Enjoy my parcially improved (maybe?) style of writing from the first parts of TSHS, at least? Ahahah XD
-Added on July 13, 2023.PS: Text in the original writing is unedited. Ganyan po talaga ako magsulat rati.
__
***
What's home?
Home is the place where your heart lives. It is where your comfort zone is, and where you can do what ever you want. It is very important to us, that when you lost it there will be no the same home you'll find. Yes, maybe you'll gonna find a new home but the feeling wouldn't be the same as the first.
Light?
Of course we need light on our every own life. We know that to keep moving in this cruel and dark world, we need a light to guyde us through our journey. But what if we lose that light? How would we move forward?
Me? I actually don't know.
I was her home and she was my light. Pero bakit ganoon?
Nakatanaw ako sa kalsada habang nagmamaneho. Kagagaling ko lang sa LTO Office dahil kinuha ko ang driver's lisence ko. Nakikinig lamang ako sa music habang nagda-drive. Hindi ko pa rin talaga makalimutan ang mga nangyari noong mga nakaraang araw.
"Ugh! Leonelle Home Bonneville."
Marahan kong iniuntog ang sarili sa manibela ng kotse matapos ko itong itigil dahil sa nag-gred na ang traffic lights. I gritted my teeth out of annoyance. Bakit kasi ayaw matanggal ng isiping iyon sa utak ko? Ang dami-rami ko nang ginawa para mawala ito sa utak ko, bakit ayaw pa rin gumana? Ilang araw na 'kong nagpapakalasing, umaasang dahil doon ay makakalimutan ko na ang sakit, pero bakit ganoon? Kapag lasing na lasing na ako tsaka pumapasok sa isip ko ang mga nangyari? Napabalik ako sa ulirat ng magulat sa businang nagmula sa likod ng sasakyan. Kanina pa pala nag-go, hindi ko na napansin. Napabuntong-hininga na lamang ako at nagpatuloy sa pagamaneho.
Tinignan ko ang oras sa relo ko. 5:56 PM. Napatingin ako sa paligid at bahagya na ngang madilim. Saktong napatingin ako sa isang pamilyar na karatula.
"The Gleisyard." Basa ko rito.
Napangiti ako habang binabalikan ang mga ala-ala. Hindi ko na namalayang nailiko ko na pala ang kotse papasok ng subdivision na iyon.
"Sir Leon! Kumusta?" Nakangiting bati sa akin ng guard. "Kay na Ma'am po ba ulit?"
Tinanguan ko na lamang siya bilang sagot.
Sumaludo naman siya sa akin at nagtuloy na ako sa pagda-drive papasok.
Nakangiti kong pinagmasdan ang paligid. Napakaraming ala-ala ang pumapasok sa isipan ko. Kung sana lamang...
Inihinto ko ang kotse sa tapat ng isang bahay. Buhay na buhay ang paligid nito dahil sa mga nakabukas na ilaw. Pinatay ko ang makina ng sasakyan at bumaba. Papalapit pa lang ako sa gate ng may marinig akong paparating. Dali-dali akong bumalik sa kotse ko at pinaandar ito. Muntik ko nang makalimutan, ayaw niya nga pala akong makita.
Sa totoo lang nga ay sobrang excited ko noong nakaraang linggo dahil balak kong sabihin sa kanyang nakapasa ako sa test sa LTO at maipagda-drive ko na siya, kaso...hayst...ayaw ko nang isipin.
Wala sa sarili akong nag-drive ng mabilis palayo sa bahay na iyon. Narinig ko pa ang pagbusina ng kotse sa likod ko pero hindi ko na iyon pinansin. Ang iniisip ko lang ay ang makaalis doon agad. Hindi ko piniikot ang kotse ko dahil ayaw kong makita niya ako at baka magalit pa siya sa akin. Dineretso ko na lamang ang kalsada at umikot pabalik sa exit sa ibang ruta.
Wala pa rin ako sa sarili ng makarating ako sa labasan. Hindi ko na namalayang nasa mane road na pala ako.
Nakarinig ako ng malakas na tunog kaya napatingin ako sa kaliwa at nasilaw ako sa malakas na ilaw na papalapit. Naibalik ako nito sa katinuan at iaatras ko na sana ang kotse kaso huli na ako.
Naramdaman ko ang malakas na pwersang mula sa mabilis na tumatakbong sasakyan. Halos tumagilid ang kotse ko dahil sa lakas ng impak noon. Ramdam ko rin ang pagtusok ng basag na bubog sa braso at katawan ko.
Hindi ko nakitang nag-flashback ang mga memories ko noong bata pa ako hanggang ngayon. Isang parte lang ang nakita ko at hindi ko alam kung bakit. Kung bakit ang mga ala-ala kong kasama siya ang mabilis kong nakita?
Umikot ang paningin ko kasabay ng pagtama ng kung anong matigas sa ulo ko.
At doon na nagdilim ang paligid.
BINABASA MO ANG
Drive Alone Past Her Street
RomanceShort Story "I am her home and she is my light. But..." Leon was living his life as a normal teen ager. Going to school, having fun with his friends, and most importantly biking. But one sunrise, Winter came and their world turned. Until sunset. o...