"I do, cherish you...for the rest of my life. You don't have to think twice." Maganda ang gising niya ng umagang iyon. Ito na kasi ang araw na inaabangan niya. Ang pag-uwi ng kanyang sinisinta. sabik na sabik na siyang makita ito ng personal. Kahit kasi madalas niya silipin ang mga social media ng kanyang sinisinta ay hindi pa rin iyon sapaty dahil madalang ito mag-post.
"May pagkanta pang nagaganap. If I know kaya ka kumakanta-kanta dyan dahil pauwi na ngayong araw ang kuya ko." Puna sa kanya ng kanyang matalik na kaibigan na si Cheska. Kasalukuyan siyang nagtse-tsek ng mga module na pinasa ng kanyang mga mag-aaral. Isa siyang guro. Same with Cheska.
"Anong oras ba ang dating ng kuya mo?" Kinikilig na tanong niya sa kaibigan. Kitang-kita sa mukha nito ang pagngiwi. Hindi kasi nito malaman kung bakit patay na patay siya sa kuya nito na si Francisco Rivera, the hot doctor of their town.
Tumingin muna ito sa orasang pangbisig nito bago sumagot sa kanya. "Hmm...by this time, panigurado nasa bahay na iyon." wika nito na muling ibinalik ang atensyon sa ginagawang PowerPoint presentation para sa klase nito. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Nakaramdam siya ng sobrang panginginig. Agad-agad niyang iniligpit ang kanyang ginagawa at mabilis na hinanap ang kanyang bag. Tatayo na sana siya sa kanyang upuan dala ang kanyang bag nang pigilan siya ng kaibigan.
"Saan ka pupunta?" takang tanong nito sa kanya. Tinitigan niya ito na para itong tinubuan ng dalawang ulo. "Duh! E di, uuwi! Gusto mo na makita ang aking sinisinta." sagot niya kay Cheska na tinawanan naman nito.
"Loka-loka ka talaga, Ria! Narinig mo lang na nasa bahay na si Kuya, gusto mo na kaagad umuwi. Ipapaalala ko lang ha. Alas-dose pa lang po ng tanghali. Mamaya pang alas-kwatro ang uwian natin." natatawang paalala nito sa kanya na siya namang ikinanlumo niya. Shoot! apat na oras pa pala siya maghihintay! Bakit naman kasi weekday ito umuwi. Sana weekends na lang para hindi siya ngayon prang isang bulate na nilagyan ng asin dahil sa kasabikan na makita ito.
"Relax, Ria. Makikita mo rin si Kuya. magkapitbahay lang tayo. Ang atupagin mo ay matapos mo ang ginagawa mo ngayon para may oras ka pang magpaganda. Tandaan mo ang goal mo ngayon."
Napaisip siya sa sinabi ng kaibigan. Kung sabagay, may punto ito. Magkapitbahay lang naman sila kaya panigurado masisilayan niya anytime si Kiko. kailangan niyang pigilin ang sarili. kahit pa sabihin na dalawang taon ito nawala sa bansa ay dapat hindi nito mahalata na patay na patay pa rin siya dito. Dapat sa pagkakataon na ito siya naman dapat ang habul-habolin nito.
BINABASA MO ANG
More Than That
Romance0 pagsintang labis na makapangyarihan Sampung mag-amay iyong nasasaklaw Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman Hahamakin lahat masunod ka lamang" -Aladin, Florante at Laura ------- Pinagtagpo ngunit hindi tinadhana. Mga katagang ayaw tanggapin ng sistem...