DISCLAIMER;
This is work of fiction. Names, characters, businesses places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead are actual events is purely coincidental.
This is my first story i publish because im not satisfied at my other works, so if u don't like this please comment to inform me. Thanks.
___________________________________________________________
" Kamusta ka?" nagaalalang tanong ni pia.
Alam ni pia kung ano ang pinag dadaanan ko dahil kaibigan ko siya sinabi ko sakanya yun simula nung umiyak ako sa harapan niya.
" Okay lang" pag sinungaling ko. Matagal na simula nung hindi na kami nag kita gusto ko man kaso wala nang pag asa.
Matagal na siyang wala, matagal na siyang hindi ko makikita..... hinding hindi na.
Tumayo na ako para makauwi na nakakapagod mag aaral.
Habang nag lalakad ako lagi na ako tumitingin sa paligid baka sakali ariyan siya dahil sabi niya nuon kasama ko siya palagi pero para sakin hindi totoo yun.
Tumulo ang luha ko habang nag lalakad kaya agad kong pinunasan at baka may makakita pa saakin.
Tumingin ako sa langit na palubog na ang araw orange na ito at tila ba' y pinapagaan ang damdamin ko kapag ganto ang nakikita ko simula nung nawala siya ay ang langit ang nagiging karamay ko.
May biglang humila saakin kaya napaurong ako at may naramdaman akong likod agad akong nabigla sa nakita ko sa harapan na humaharurot na sasakyan.
Napalingon ako sa likuran ko nakaramdam ako ng sama ng tingin kaya napaurong ako hinila niya naman agad ako uli kaya nanlaki ang mata ko.
" Nakita mong asa kalsada ka nag lalakad nakatingala ka jan" Biglang humipan ang hangin kaya nagtaasan ang balahibo ko.
TOTOO BATO?
Hinawakan ko ang kamay niya. NAHAHAWAKAN KO!
Tumingin ito ng masama saakin " Ano ginagawa mo?" umurkng siya.
" May kamukha ka" sabi ko. Namamalikmata bako? Bakit? Bakit parang siya ang nasa harapan ko. Bakit nahahawakan ko siya?
Tumingin siya saakin na nag tataka " Sige miss alis na ako... wala bang thankyou jan?" bigla itong ngumis kaya napatunganga ako naglakad na siya at hindi na inantay ang pasasalamat ko.
Yung mata niya kuhang kuha, ilong, buhok, LAHAT kuhang kuha niya yung buhok niyang hati sa gitna at bagsak, ang perpektong mukha ay kuhang kuha. Paulit ulit na ako pero kuhang kuha niya talaga kaninang tinititigan niya ako ay mapungay ang mata niya na kinalingon ko.
Wala na siya ambilis na nang daloy ng sasakyan nasa stoplight pala ako naka red light na kaya nakahinto ako rito at nakatunganga.
Nang makauwi ako ay yung lalake parin nag nasa isip ko.
Paano yun? ano yun reincarnate? Maniniwala na ba ako dun.
Hanggang sa pagkilos ko buong gabi ay yung lalake nag iniisip ko kamukha niya kahit tatlong taon na nung iniwan niya ako alam ko parin ang mukha niya hindi ako mag kakamali.
Tinanong ako ni mommy bakit daw ako nakatulala habang kumakain natatawa ako kasi hindi korin alam siguro dahil iniisip ko siya yung lalake kanina.
Hindi siya maalis sa isip ko kaya't hindi ako nakatulog kailangan ko matulog at baka sabog ako pag pasok kaya ito ako ngayon nakatulala at mukhang nakasinghot.
Nakatingin lamang ako sa kisame at inaantay pumikit ang mata ko.
Namimiss kona siya....
Ayan ang last na naisip ko hanggang sa nakatulog na ako.
NAGISING ako sa alarm ko kaya napabalikwas ako at bumangon agad.
Naisip ko agad sana mangyari yun at isalba niya ulit ang buhay ko kundi siguro ako nahila niya nun siguro kasama kona si lance sa langit magkikita na kami pero pano ang pamilya ko?
Ayan ang iniisip ko buong oras hanggang sa makapasok ako hinatid ako ni mommy ganun naman lagi.
" Sheena" tawag ni pia lumapit agad ako katabi ko siya sa upuan at nasa hulihan iyon dahil ayaw naming nasa unahan dahil sabi nila ang nasa unahan ay yung matatalino siguro kaya gusto ko sa likod kasi aminado akong bobo ako.
" Nakagawa na ako ng research ko nung isang araw, ikaw?" tanong ko rito.
Umawang ang bibig niya " Hala oo nga pala" sabay hampas sa noo niya na kinangiwi niya. Ayan bobo.
" Kaya monayan malaki kana" sabi ko at tumingin na sa harapan.
Minsan kasi ay nag tutulungan kami minsan naman ay hindi sabi niya kasi nuong gagawa kami ay busy siya, kanino naman?
Inaantay nalang namin si mrs lobre first period.
Pumasok rin ito at nakangiti ang bungad saamin " May transferee tayo" sabi niya at tumingin sa pintuan.
Pumasok ang matangkad na lalake at nakauniform na ito bagay sakanya ang uniform at makikita mo ang kisig ng katawan nito napanganga ako dahil siya yung lalake na.... na.....
" Mag pakilala ka muna iho" masayang bigkas ni mrs. lobre.
" Ian Zachary Ramos.... Zac nalang po" magalang na sabi nito tumango di mrs.
" Duon ka sa tabi ni Sheena ayun nalang ang natitirang upuan" tinuro ako ni ma'am at tumango naman ang lalake may bigla sa mukha niya pero seryoso parin ang mukha niya.
Nagbulong bulungan ang mga kaklase ko dahil maistura siya di mo iyon ipag aakila.
Pero bakit iba ang pangalan niya? bakit hindi lance ang pangalan niya at bakit ian zachary?
Pagkaupo nito sa tabi ko ay agad akong nangilabot. Bakit?
Sumulyap ako pero nakatingin lang ito sa harapan at mukhang inaantok napansin niya atang nakatingin ako kaya't napalingon ito saakin.
Agad ako nag iwas ng tingin.
Bakit sa dinami rami ng magiging kaklase kopa ay yung taong kinamuhian ko nuoon. Yung taong mahal na mahal ko nuon. Yung taong sabi niya ay nasa tabi kolang siya.
Ito na ba ang sinasabi niyang katabi kolang siya tangna katabi kona talaga siya at nahahawakan kona!
____________________________________________________________
:3
YOU ARE READING
Golden Hour
Teen FictionSi Sheena na napansin ang magandang lote na nakita niya ruon si Lance at mag isa lang nilapitan niya ito at duon nag simula ang istorya na hindi natin inaasahang mangyayari.